Germany nangangailangan ng 30,000 medical workers, mga Pinoy una sa priority

  • Nangangailangan ng 30,000 medical workers ang bansang Germany
  • Nilinaw ng DOLE na ang job openings ay bukas para sa lahat ng nationalities at hindi lang sa mga Pilipino
  • Binigyang-diin ng DOLE na nangunguna sa prayoridad ng Germany ang mga Pinoy workers

Ipinahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang bansang Germany ay nangangailangan ng tatlumpung libong (30,000) hospital workers, kabilang ang mga nurses sa taong 2020.

Imahe mula sa PhilNews

“They need 30,000 nurses, hospital workers, medical workers. That’s a big number,” sabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III sa isang panayam.

Nilinaw ng kalihim na ang libo-libong job openings ay bukas para sa lahat ng nationalities at hindi lang sa mga Pilipino, subalit sinabi niya na una sa prayoridad ng pipiliin ang mga Pinoy workers.

“They want us Filipinos. In their order of preference, number one is the Philippines,” masayang pahayag ni Sec. Bello.

Noong nakalipas na buwan, ibinalita ng DOLE na ang Germany ay umaasang makakapag-hire ng isanlibong Filipino nurses sa susunod na taong 2020 sa ilalim ng Triple Win Project. Sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ang nasabing bansa ay nakakuha na ng mahigit 900 sa pamamagitan ng Triple Win Project simula pa noong 2013.

“They want to hire as many as they can, and we have many nurses that are well qualified,” anang DOLE secretary.

Ang Triple Win Project ay isang government-to-government agreement hiring program sa pagitan ng Pilipinas at Federal Republic of Germany.

Imahe mula sa DOLE

Ang nasabing proyekto ay nabuo dahil sa kakulangan ng mga nurses sa Germany. Sa kasalukuyan, ang job vacancies ay mas nakahihigit kaysa sa bilang ng mga qualified jobseekers. Ayon sa pagtataya ng mga eksperto, ang nursing sector sa Germany ay mangangailangan ng 150,000 bagong nurses sa taong 2025.

Sa kabilang banda, sobra-sobra naman ang bilang nga mga qualified nurses sa mga bansang tulad ng Bosnia at Herzegovina; Serbia, at Pilipinas na hindi kayang ma-absorb ng local labor markets. Nagreresulta ito sa mataas na lebel ng unemployment sa mga nabanggit na bansa.

Sa pamamagitan ng Triple Win Project, tatlong benepisyo ang makukuha. Ang una ay gagaan ang unemployment sa mga bansang kalahok sa proyekto. Ikalawa, ang mga remittances ng mga migrant workers ay makatutulong sa bansang kanilang pinanggalingan. Ang ikatlo, ang kakulangan ng nurses sa Germany ay maiibsan.

Imahe mula sa POEA
Source :

Tribune, PNA

Loading…