Grateful Gazini Ganados, nagdiwang ng ika-24 kaarawan

Imahe mula sa Instagram | Gazini Ganados
  • Nagdiwang ng kaniyang ika-24 kaarawan si Miss Universe PH Gazini Ganados
  • Bagama’t hindi niya nasungkit ang ika-limang korona ng Miss Universe para sa bansa ay nagpapasalamat siya sa lahat ng mga oportunidad
  • Si Gazini ang huling Miss U representative na ipinadala ng Binibing Pilipinas Charities Inc. (BPCI) dahil nalipat na ang franchise nito kay Shamcey Supsup-Lee

Blessed. Ganito inilarawan ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados ang taong ito kasabay ng pagdiriwang niya ng ika-24 kaarawan.

“I am so thankful ad looking forward to another year. I was blessed with so many opportunities this year,” sabi niya sa kaniyang Instagram post. “My dreams have come to fruition and I have met new amazing people along the way.”

Imahe mula sa Instagram | Gazini Ganados

Si Gazini ang huling representative na ipinadala ng Binibing Pilipinas Charities Inc. (BPCI) sa Miss Universe pageant dahil nailipat na ang franchise nito kay Miss Universe Philippines 2011 Shamcey Supsup-Lee.

Matatandaan na nang tanungin ng host na si Steve Harvey kung bakit mahaba ang pangalan ni Gazini ay nabanggit niya kung ano sana ang hiling niya para sa kaniyang kaarawan.

“Well, Steve, my mom named me Gazini Christiana Jordi Acopiado Ganados. Three of those [are] my first name. Gazini which means Gazan, which is my dad’s name. Christiana because I was actually born after Christmas. I’m December 26…this is a great opportunity for me to [give a] shout out to all my friends and family who give me one gift on Christmas and on my birthday. So Steve, I only want one thing for Christmas and my birthday and you already know about that.”

Imahe mula sa Instagram | Gazini Ganados

Hindi man nakuha ni Gazini ang korona ay nakapasok naman siya sa Top 20 at itinanghal din bilang Best in National Costume.

Sabi ni Gazini sa kaniyang birthday post, “If there is one thing I learned, it is to always celebrate your personal victories because no one else understands what it took to accomplish them.”

Sa kaniyang Instagram post isang linggo matapos ang kompetisyon ay nagpasalamat siya sa lahat ng Pilipino na sumuporta sa kaniya.

“I couldn’t be more proud as our country’s name was called while seeing our kababayans raise our flag in Atlanta. Our journey to Miss Universe might have come to its conclusion, but our fight for our causes will forever live on,” aniya.

Excited na ngayong bumalik ng bansa si Gazini na nanatili sa US matapos ang Miss Universe 2019 coronation. “Can’t wait to be back home soon to continue my job and fulfill my missions,” pagbabahagi niya.

Loading…