Green na bote ng Sprite, papalitan na ng clear recyclable plastic

  • Papalitan na ng clear recyclable plastic bottle ang dating kulay green na bote ng Sprite
  • Ayon sa Coca-Cola Philippines, ito ay dahil mas madaling ma-recycle ang clear plastics kumpara sa colored plastics
  • Sa buong Southeast Asian region, ang Pilipinas ang unang gagamit ng clear plastic bottle para sa Sprite

Nagdesisyon ang Coca-Cola Philippines na itaas ang recyclability ng Sprite bottles sa Southeast Asian region sa pamamagitan ng paggamit ng clear recyclable plastic na papalitan ang dating iconic na berdeng bote.

Imahe mula sa Facebook page ng Sprite

Ito ay bilang bahagi raw ng layunin ng kompanya na madagdagan ang paggamit ng PET bottles sa paraang hindi nakapamiminsala sa kapaligiran.

Sa loob ng kalahating siglo ay nasanay na ang publiko sa kulay berdeng bote ng Sprite na isinunod sa preskong lemon-lime na lasa nito. At ngayon nga ay papalitan na ang trademark design alinsunod sa misyon ng Coca-Cola tungo sa isang “World Without Waste.”

Sinabi ni Coca-Cola Philippines Marketing Director Sharon Garcia-Tanganco na isa itong hakbang ng Coca-Cola patungo sa mundong walang basura dahil mas madaling i-recycle ang bagong packaging.

“Sprite’s status as one of the biggest and most recognized brands in the world can largely be attributed to its crisp lemon-lime taste and its iconic green bottle design. As part of our journey towards a World Without Waste, we are transitioning our green Sprite plastic bottles to clear ones as clear plastic is much easier to recycle,” ani Garcia-Tanganco.

Imahe mula sa Facebook page ng Sprite

Ang mga colored recyclable plastics ay mas mahirap i-recycle at mas kaunti ang pinaggagamitan kumpara sa clear plastics. Sa paggamit ng clear plastic packaging ng Sprite, masisiguro na ang botelya ay mas madaling ma-recycle at ma-reprocess.

Ang Pilipinas ang pinakamalaking market ng Sprite sa buong Southeast Asian region at ang una sa rehiyon na magsisimula sa paggamit ng clear plastic packaging nito.

Imahe mula sa Facebook page ng Sprite

Anong palagay mo sa bagong bote na ito?

Loading…