Gretchen Ho at Vico Sotto, pinagtatambal ng netizens nang makitang magkasama sa volleyball match sa SEA Games

  • Trending sa social media ang larawan nina Gretchen Ho at Pasig Mayor Vico Sotto sa isang laro sa SEA Games
  • Magkatabi kasi sila at may kutob ang maraming netizens na nagde-date raw ang dalawang personalidad
  • Bagay din daw sila kaya naman may pangalan na ang mga social media users sa kanilang nabuong ‘tambalan’

Inabangan ng mga Pinoy volleyball fans ang unang laban ng women’s team ng Pilipinas kontra sa Vietnam. Naging mahigpit ang labanan at umabot pa sa 5th set. Gayunman, bigo ang mga Pinay na makuha ang kanilang unang panalo sa Southeast Asian (SEA) Games na ginagawa sa bansa.

Pero maliban sa magandang laban, gumawa rin ng ingay ang volleyball star turned TV host na si Gretchen Ho at ang alkalde ng Pasig na si Mayor Vico Sotto. Nadaanan kasi sila ng camera ng live TV coverage ng volleyball match at nakitang magkatabi silang nanonood ng laro.

Larawan mula sa Twitter account na UAAP-NCAA Memes

Dahil dito, maraming netizens ngayon ang nakapansin na bagay daw sina Gretchen at Vico. Maraming memes na ngayon sa social media ang kumakalat tungkol sa dalawa. Marami ang talaga namang kinikilig ngayon sa tambalan nilang nabuo sa PhilSports Arena sa Pasig.

Ayon sa serye ng tweets ni Vico, hindi raw talaga planado ang panonood niya ng SEA Games match na ginagawa sa kanilang lungsod. Dahil sa Bagyong Tisoy ay nakansela ang kanyang mga appointments kaya minarapat ng anak ni Bossing Vic Sotto na manood na lamang ng volleyball match.

Gayunman, tanong ng marami kung nagde-date na raw ba ang dalawa. May mga fans pa nga sila na binigyan na ng pangalan ang kanilang tambalan na uso ngayon sa mga loveteams sa Pilipinas. May nagbigay na ‘ViChen’ habang ang iba naman ay sa apelyido nila kumuha ng pangalan ng tambala na ‘SoHo.’

May ilang netizens nga na Mayora na ang tawag kay Gretchen dahil boto raw sila sa TV host para sa bagong mayor ng Pasig. Hindi rin umano malabong magkapalagayan ng loob ang dalawa dahil pareho silang galing sa Ateneo de Manila University (ADMU).

Larawan mula sa Twitter account ni Mariel Seco

Wala namang reaksiyon ang dalawa tungkol sa pagtatambal na ginagawa ng netizens sa kanilang dalawa. Tahimik din ngayon si Mayor Vico na kilalang aktibo sa kanyang Twitter account at magiliw na sumasagot sa kanyang mga followers kahit kung minsan ay labas na sa serbisyo publiko ang tanong ng kanyang followers.

Noong bagong halal si Vico, inilahad nitong single siya at tumatanggap naman siya ng mga aplikante. Ngunit kaagad rin niya itong binawi at sinabing nagbibiro lamang siya nang mag-viral ang tweet niyang iyon. Single din si Gretchen na abala ngayon bilang isa sa mga sumisikat na Kapamilya hosts.

Loading…