Guro, nadismaya sa reaksyon ng mga estudyante sa ibinigay niyang key chain

  • Nadismaya ang isang guro sa naging reaksyon ng kaniyang mga estudyante sa ibinigay niyang regalo para sa kanila
  • Ang kaniyang regalo ay personalized key chains na ipinagawa pa niya sa isang kaibigan
  • Sinabi raw ng kaniyang mga estudyante na kaya rin nilang bumili ng katulad na key chain na ibinigay sa kanila ng guro

Ang pagbibigayan ng regalo tuwing Pasko, at maging sa iba pang mga okasyon, ay nakasanayan na ng mga Pilipino. Hindi importante kung maliit man ito o malaki, dahil ang mas mahalaga ay ang bukal o taos–pusong pagbibigay at pag–alala sa kapwa.

Kaya naman hindi napigilang ibulalas ng isang guro ang kaniyang pagkadismaya at pagkalungk0t sa naging reaksyon ng kaniyang mga estudyante na binigyan niya ng munting regalo para sa Pasko. Salaysay ng gurong si Kathleen Jane Mendoza sa kaniyang Facebook post, taun–taon daw niyang ginagawa ang pagbibigay ng munting regalo sa kaniyang mga estudyante bilang gurong tagapayo.  Sa taong ito, personalized key chain ang kaniyang inihanda.

Imahe mula sa Facebook account ni Kathleen Jane Mendoza

“I prepared these key chains two weeks before Christmas Party. I wanted to give them a gift as a sign of my love for them. My friend made these key chains possible for me. ‘Yong iba nagtaka pa, kasi bakit ko pa nga daw bibigyan sila ng regalo eh sakit sila sa ul0, sa lalamunan. But still I want to give it,” panimula ng post na may pamagat na “An Adviser’s Ag0ny”.

Isa–isa niyang ibinigay ang mga key chain sa mga estudyante. May ilang mga nagpasalamat. Subalit hindi raw niya makalilimutan ang naging reaksyon at tugon ng nakararami.

“Until the Christmas Party came, I gave them the key chains one by one. Some people said thank you. But you know what’s the most unforgettable thing they’ve said? Cher, ito lang regalo mo sa amin? Kaya rin namin bumili nito eh!”

Imahe mula sa Facebook account ni Kathleen Jane Mendoza

Dito nakaramdam ng pagkadismaya ang guro. Hindi niya inasahang hindi magugustuhan ng kaniyang mga estudyante ang kaniyang effort at regalo.

“And then I realized, no matter what you do for them, if they think it’s not enough it will never be enough. You know what’s funny? I really expected that they would appreciate but it turns out that they did not,” sabi niya.

Umani naman ito ng reaksyon at komento mula sa mga netizen na nakisimpatya sa guro.

“Matutong magpasalamat at makuntento sa kung anumang ibinigay sa iyo ng isang tao. Maliit man ito o malaki. Mahal man ito o mura. Dahil hindi lahat ng tao, kaya kang bigyan ng kahit anuman. Matuwa ka kasi naalala ka. Mga kabataan ngayon, gusto laging mahal binibigay sa kanila,” sabi ng isa.

Komento naman ng isa pa, “You have a big heart teacher, your gift may not be enough for them and not being able to appreciate what you give them is not your l0st but theirs. Sign of how most of the students today do not know how to appreciate efforts. It’s the sad truth of today.”

“From grade school to high school, I still remember all my teachers because of the little things like that, they’d go out of their way just for their students. Much love to teachers like you Ma’am!” dagdag ng isa pang Facebook user.

Samantala, may ilan din namang netizens ang nagsabi na kapag nagbibigay tayo, huwag mag-expect o maghintay ng anumang kapalit upang hindi masaktan kung anuman ang reaksyon nila hinggil dito.

Source :

Facebook

Loading…