Heart Evangelista inalala ang anak nila ni Gov. Chiz Escudero

Imahe mula sa Instagram | Heart Evangelista
  • Magdiriwang sana ng birthday ang unang anak nina Heart Evangelista at Sorsogon Governor Chiz Escudero
  • Hindi naman nakalimutan ni Heart na alalahanin ang anak sa isang post sa Instagram
  • Kamakailan lamang ay namuo ang ispekulasyon na buntis si Heart pero itinanggi niya ito

Inalala ni Kapuso actress Heart Evangelista ang anak nila ng asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero na nawala nang makunan siya noong 2018.

Imahe mula sa Instagram | Heart Evangelista

Sa isang Instagram story, sinabi ni Heart na birthday raw sana ng anak. “Today was your birthday. Know [that] mama thinks about you,” sabi niya.

Mayo noong 2018 nang mag-post si Heart ng larawan kasama si Gov. Chiz kung saan makikita siyang may hawak na onesie. “The greatest blessings all in God’s perfect timing. Our beautiful family just got a little bigger. We can’t wait to meet you, little one,” sabi niya noon.

Makalipas ang limang araw, ibinahagi naman ni Heart na kambal sana ang magiging anak nila pero huli raw ang development ng isa kaya nawala ito sa kanila. “Unfortunately, one of the embry0s was smaller and behind in terms of development and so we l0st one of the twins,” sabi niya. “Our hearts were heavy at the thought but we know we had to focus on the good.”

Pero noong Hunyo ay ibinalita ni Heart na tumigil na raw ang pagtib0k ng pus0 ng anak sa sinapupunan. “Carrying you made me feel like a completely new person,” pahayag niya noon.

Imahe mula sa Instagram | Heart Evangelista

 

Kuwento pa niya, may pangalan na sana ang kanilang anak. “For what it’s worth, I already had a name for you. My Mira, funnily enough, I already loved your smile. I know you’ll find your way back to me,” pagbabahagi niya sa isang Instagram post.

Samantala, kamakailan lamang ay namuo ang ispekulasyon na buntis na muli si Heart dahil sa larawan kung saan makikitang nakahawak sa tiyan niya si Gov. Chiz pero paglilinaw niya, hindi siya buntis; just “pregnant with Bonchon chicken,” sabi niya sa Twitter.

Source :

Instagram, Pep

Loading…