Heart Evangelista, tinulungan ang isang “aspin” na nakita sa isang lansangan sa Sorsogon

  • May isa na namang “aspin” o asong Pinoy na tinulungan ang aktres na si Heart Evangelista
  • Pinangalanan niya itong “Daba” na nangangahulugang mahal na anak, batay sa wikang Bikolano
  • Nakita niya ito habang namamaybay ang kaniyang sasakyan sa isa sa mga lansangan sa Sorsogon

Hindi lamang kilalang fashion icon ang aktres at maybahay ni Senador Chiz Escudero na si Heart Evangelista o Love Marie Ongpauco Escudero sa tunay na pangalan kundi kilala rin bilang mapagmahal sa mga hayop, partikular sa mga aso. Bagay na bagay sa kaniya ang pangalang “Heart” dahil ang pus0 niya ay nasa mga “man’s best friend”.

Makikita sa Instagram post ni Heart noong Disyembre 21, 2019 ang larawan ng paghinto niya upang lapitan at hawakan ang isang brown na tuta na nakahiga sa kalsada.

Imahe mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Ayon sa kaniyang caption, “Earlier today, I saw this little angel on the street. I just had to stop my car to say hi. It’s amazing how even though no one has shown her kindness, it’s still their first language. When she saw me approaching her, she started wagging her tail already — how precious.”

Dahil may schedule siya nang araw na iyon, agad siyang lumisan subalit pinakiusapan niya ang isang kaibigan na balikan ito. Pinangalanan niya ang tuta na “Daba” na ang ibig sabihin ay “mahal na anak”. Balak umano niyang ampunin ito.

“I had to leave her after because of my schedule but because I couldn’t stop thinking about her, I had my friend go back to find and get her I named her ‘Daba’ which means mahal na anak in Bicol. I’ll be fostering her until she’s ready for adoption. I hope that she’ll soon find her forever home.”

Natuwa naman ang ilang mga kasamahan sa industriya sa kagandahang–loob na ipinakita ni Heart. Komento ng aktres na si Carla Abellana,  “Always so hard to leave them behind. So glad you got her. But where’s her Mama and siblings?”

Imahe mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

“Please don’t get me wrong but the puppy looks like it just got a feed, judging from it’s tummy… puppy is probably missing its mum and sibling pups. Hopefully they could be reunited,” obserbasyon at komento naman ng isang netizen.

Samantala, wala pa namang balita kung tuluyan na bang inampon ang naturang tuta o ipinahanap at ibinalik sa tunay na nagmamay–ari nito. Subalit ang aral o mensaheng makukuha sa ginawa ni Heart— tayo man o hindi ang nagmamay–ari sa isang hayop, partikular sa aso, matuto tayong pangalagaan sila sapagkat sila ay nilalang din ng Poong Maykapal.

Loading…