Heartthrob athletes ng SEA Games 2019, kinakikiligan

  • Kinakikiligan ang mga heartthrob athletes sa 30th SEA Games 2019
  • Ilan sa kanila ay nagmula sa Singapore, Malaysia, Indonesia, Brunei, Vietnam, at Pilipinas
  • Isa sa mga natatanging atleta rito ay ang dugong bughaw na anak ng sultan ng Brunei

Bukod sa paghakot ng medalya ng mga atleta sa iba’t ibang mga larong pampalakasan sa Southeast Asian Games o SEA Games, inaabangan din ng mga tao ang mga heartthrob athletes mula sa ibang bansa, at syempre, mula sa Pilipinas.

Imahe mula sa Instagram account ng mga naturang atleta

Sa bansang Singapore, nariyan sina Ikshan Fandi ng foot ball, Joseph Schooling ng swimming, Christian William Redden ng ice hockey, Teddy Zi Hao ng volleyball, at Loh Kean Yew ng badminton.

Sa Indonesia naman, nariyan sina Surliyadin Surliyadin ng basketball, Nadeo Argawinata ng football, habang sa Malaysia naman ay si Adam Akasyah ng Jiujitsu at sa Vietnam naman ay si Pham Hong Nam ng badminton.

Nariyan din ang anak ng sultan ng Brunei na si Prince Abdul Mateen Bolkiah na naglalaro para sa polo. Itinuturing siya bilang isa sa  “Asia’s most eligible blue–blo0d bachelors”.

At s’yempre, bukod sa likas na mahuhusay, hindi naman pahuhuli ang Pilipinas. Nariyan sina Evan Spargo ng Philippine Volcanoes para sa larong rugby, Aljon Salonga ng water polo, at Afif Sharief o mas kilala bilang Xyrus Cruz ng Karatedo, na napabilang na rin sa ilang mga Kapus0 teledramas gaya ng “Pari Koy”, “Someone To Watch Over Me”, at “Sherlock, Jr.”

Imahe mula sa Instagram account n Prince Abdul Mateen Bolkiah

Kabilang pa rin sa mga Pinoy heartthrob athletes  sina LR Lancero ng ice hockey, Marvin John Nobel ng light heavyweight boxing, at si Carlos Yulo ng artistic gymnastics.

Inaabangan na sila ng mga “abangers” na netizens, lalo na ang mga girls at “feeling girls”.

“Prince Abdul Mateen Bolkiah reminds me of Richard Gomez in his younger days. So handsome with his athletic figure…”

“Gwapo talaga iyang si Joseph Schooling. Nakita ko na sa personal.”

“Goodluck sa mga Pinoy heartthrob athletes natin. Show them what you’ve got. Hindi lang looks kundi athletic skills and sportsmanship. Laban Pilipinas!”

Imahe mula sa Instagram account ng mga naturang atleta

Good luck sa lahat ng mga atleta ng SEA Games 2019!

Loading…