Hindi na tinapos ang ‘It’s Showtime’: Vice Ganda, lumipad patungong Mindoro para sa relief ops

Imahe mula sa Instagram | Vice Ganda
  • Maagang umalis si Vice Ganda at hindi na natapos ang It’s Showtime noong Biyernes dahil pumunta siya sa isang relief operations sa Oriental Mindoro
  • Bukod sa relief packages, naghatid din si Vice Ganda ng ngiti sa mga nasalanta ng bagy0ng Tisoy
  • Sa kaniyang mga tweet, ibinahagi ni Vice ang naging experience sa relief operations at sinabing napakamakapangyarihan ng mga ngiti

Hindi na tinapos ni Vice Ganda ang noontime show na It’s Showtime kahapon dahil pumunta siya sa relief operations sa Pinamalayan, Oriental Mindoro na isinailalim sa state of calamity dahil sa iniwang pinsala ng bagy0ng Tisoy.

Imahe mula sa Instagram | Vice Ganda

Ipinaliwanag niya ito sa fans sa isang tweet: “Sorry I had to leave na. Won’t be able to finish Showtime. Gora na si meme sa Mindoro para sa isang relief operations para sa mga nasalanta ng bagy0. Bawi ako bukas.”

Sa Instagram stories naman, ipinakita niya ang pagsakay sa chopper upang makaabot sa relief operations. Sa ilang bahagi ng aerial video ni Vice habang sakay ng chopper, makikita ang pinsalang iniwan ni Tisoy.

Bukod sa pamamahagi ng relief packages, pinangiti rin ni Vice Ganda ang fans sa pamamagitan ng pag-awit. Tila nalimutan ng mga taga Mindoro ang naging epekto ni Tisoy nang makita si Vice. Maririnig sa IG stories ni Vice ang hiyawan ng fans. Makikita rin na dinumog ang chopper nila kaya hindi agad sila nakaalis.

Imahe mula sa Instagram | Vice Ganda

“Sumaglit ako ng Pinamalayan Mindoro para mag-abot ng konting tulong sa mga nasalanta ng bagy0. Sa sandaling panahon, ang dami kong nakitang ngiti. Parang ‘di alintana ang bagy0 ng kahapon. Kaya nilang ngumiti. Dapat kaya mo rin,” sabi niya sa tweet. “Napakamakapangyarihan ng NGITI. Sa simpleng ngiti gumagaan ang lahat. Sa simpleng ngiti nakakaahon tayo. Sa simpleng ngiti may nagbabago. Kaya nating lahat hangga’t kaya nating ngumiti.”

Kudos, Vice Ganda! Sana ay makabangon agad ang mga kapatid nating nasalanta ng bagy0ng Tisoy.

Loading…