Hungry Syrian Wanderer na si Basel Manadil, may pa-Noche Buena boodle fight sa mga street sweepers

  • May maagang pa–Noche Buena si Hungry Syrian Wanderer Basel Manadil
  • Handog niya ito sa mga dakilang street sweepers
  • Ginawa niya ito sa pamamagitan ng boodle fight

Ang kabuluhan ng Pasko ay pagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamahal sa ating kapwa. Kagaya ng ginawa ng Diyos, ipinagkaloob at ipinadala niya sa daigdig ang Kaniyang bugtong na anak upang iligtas sa kasalanan ang sangkatauhan. Bilang mga nailigtas, tungkulin nating iparanas sa ating kapwa ang pagmamahal na natamo natin mula sa Tagapagligtas.

Kaya naman mapalad tayo dahil may mga taong kinakasangkapan ang Diyos upang makita natin ang kaniyang wangis; sa mga taong may busilak na puso upang magbigay ng kabutihan sa kapwa. Katulad na lamang ng sikat na vlogger at philanthropist na si Hungry Syrian Wanderer Basel Manadil na may pusong Pilipino sa kabila ng kaniyang pagiging Syrian.

Imahe mula sa Facebook page ni Basel Manadil na The Hungry Syrian Wanderer

Hindi nagdadalawang–isip si Basel na tulungan ang mga nangangailangan nating kababayan, na halos hindi na mabilang. Ngayong Pasko, mga dakilang street sweepers naman ang binigyan niya ng sorpresa. Kahit hindi naman siya Katoliko at nagdiriwang ng Pasko, isang boodle fight ang pa–Noche Buena niya sa mga ito.

Ayon sa kaniyang Facebook post, “One of the most underrated and one of the most difficult jobs. Rain or shine, they always make sure to make our cities clean and basura free! I decided to reward them with a giant boodle fight, to give back and appreciate these amazing hardworking kababayan.”

Dagdag pa niya, “Since marami na namang kainan this Holiday Season and Filipinos love to eat with bare hands, we have to make sure we are germ free before and after eating.” Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Basel na siya mismo ang nagluto ng mga pagkain, kumuha ng mga dahon ng saging, at nagpatulong sa mga taga roon sa pagsasaayos ng boodle fight.

Hindi naman napigilan ng mga netizen na magkomento sa kagandahang–loob ni Basel para sa mga Pilipino. Sabi ng isa, “God has been blessed you with a good heart . You are more Filipino than other. Keep it up Basel.”

Imahe mula sa Facebook page ni Basel Manadil na The Hungry Syrian Wanderer

“I really love and admire whatever love and concern you showed and extended to the people who are less fortunate, I am also inclined and encouraged what you did to the least of our brothers and sisters but I don’t have the resources at this time. I salute your exemplary programs towards the poor. May the Lord bless you a hundredfold!,” turan naman ng isa.

Maraming salamat, Basel! Isa kang tunay na Pilipino sa puso at diwa!

Panoorin ang video ng boodle fight via YouTube channel ni Basel Manadil:

Loading…