Ice Seguerra at Liza Dino, nagpalitan ng tula para sa kanilang 5th wedding anniversary

Imahe mula sa Instagram | Ice Seguerra
  • Nagdiwang ng ikalimang anibersaryo ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Dino kamakailan
  • Sa Instagram, nagpost sila ng tula bilang pagbati sa isa’t isa
  • Ikinasal ang dalawa sa California noong 2014

Nagpalitan ng matatamis na salita sa pamamagitan ng mga tula ang mag-asawang Liza Dino at Ice Seguerra na nagdiwang ng kanilang ika-5 anibersaryo kamakailan.

Imahe mula sa Instagram | Ice Seguerra

Nag-post si Ice ng larawan nila na may kasamang tula tungkol sa kung gaano siya kasuwerte sa kaniyang asawa. May caption ito na “Posible palang mas lalo pa kitang mahalin sa bawat araw na magkasama tayo. Ikaw lang noon, ngayon, at habangbuhay. Happy 5th Wedding Anniversary, mahal ko”

Siniguro rin niya sa isang post na anumang pagsub0k ang dumating sa kanilang mag-asawa ay hinding-hindi siya bibitaw dito. “Kahit ano pang pagsub0k ang dumating, yayakapin kita nang walang ‘singhigpit at hinding-hindi ako bibitaw,” sabi niya.

Sinuklian ito ni Liza ng isang tula. “It’s been a while since I wrote something really special for you, for us. But this morning, I woke up and the words just flowed,” sabi niya

Tungkol ang tula sa mga pinagdaanan nilang dalawa. “We got bashed and hated on. Pulling us down until we can’t move on. But we rose above and thrived… FIVE YEARS AND COUNTING,” sabi ng bahagi ng tula.

Sa kabila raw nito ay ipinakita nilang tunay ang kanilang pagmamahalan at nananatiling totoo sa kanilang mga sarili.

Image mula sa Instagram | Ice Seguerra at Liza Dino

“And soon, everyone realized. That even when love and hate c0llide. Love will still and will always win…That’s why I’m happy that we’re here. Showing the world that we are free. To hug. To kiss. To love. To be….FIVE YEARS AND COUNTING.”

Ikinasal ang dalawa sa isang pribidong seremonya sa California noong 2014. Nagpaplano na ring magkaanak ang dalawa. Enero ngayong taon, sumailalim sa egg retrieval procedure si Ice.

Congratulations, Ice at Liza!

Loading…