Idol Raffy Tulfo, pinasaya ang isang homeless African-American woman sa Las Vegas

  • Raffy Tulfo muling hinangaan dahil sa pagpapasaya niya sa isang homeless woman sa Las Vegas
  • Natuwa si Tulfo sa babae dahil marunong itong magsalita ng Tagalog
  • Inabutan ni Tulfo ng $100 ang babae na isa rin palang PWD

Kampeon ng mga mahihirap at naaapi. Ganyan nakilala si Raffy Tulfo, isang Filipino broadcast journalist at main anchor ng TV newscast na “Aksyon sa Tanghali” at ng public affairs radio show na “Wanted sa Radyo” kung saan tampok sa isang segment nito ang mga ordinaryong mamamayan na humihingi ng tulong sa kanya upang maresolba ang kanilang mga karaingan.

Imahe mula sa Facebook page ng Raffy Tulfo in Action

Ang ilan sa mga kasong naresolba sa “Wanted sa Radyo” ay ibinabahagi YouTube channel niyang “Raffy Tulfo in Action” na ngayon ay mayroon nang 9 million followers.

Dahil sa tulong at mabilis na aksyon na ginagawa niya sa mga taong dumudulog sa kanyang programa ay hinahangaan ng maraming Pilipino si Raffy Tulfo kaya binansagan siyang “Mr. Action Man” at “Idol Raffy.”

Ang pagiging matulungin ni Idol Raffy ay umabot na rin sa Amerika, kung saan kasalukuyan siyang nagbabakasyon kasama ang pamilya.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Idol Raffy ang tungkol sa naengkwentro niyang isang homeless African-American woman sa Las Vegas.

Kuwento ni Raffy Tulfo, paglabas daw nila mula sa isang restaurant sa Las Vegas mula sa isang speaking engagement ay nakasalubong niya ang babae na napag-alaman niyang isa rin palang person with disability.

Imahe mula sa Facebook page ng Raffy Tulfo in Action

Marunong daw magtagalog ang homeless woman kaya natuwa siya at inabutan niya ito ng $100.

Sa sobrang tuwa ng babae ay gusto raw niyang pakasalan si Idol Raffy, subalit nang mapansin na nasa likod lang ang asawa niyang si Jocelyn ay agad nitong binawi ang sinabi.

Ang biro raw sa kanya ng babae ay kung may nakatatandang kapatid si Idol Raffy na puwedeng maging boyfriend at pakasalan.

Sa kanyang post ay pabirong nanawagan si Raffy sa kuya niyang si Mon Tulfo.

Calling Kuya Mon, hehehe!

Imahe mula sa Facebook page ng Raffy Tulfo in Action
Source :

Facebook

Loading…