Ika-8 milyon foreign tourist sa bansa, binigyan ng warm welcome ng DOT

Imahe mula sa Facebook | Department of Tourism
  • Umabot na sa 8 milyon ang foreign tourist arrivals sa Pilipinas
  • Ang ika-8 milyon na bisita, nakaranas ng Filipino hospitality mula sa Department of Tourism
  • Kinilala siya na si Yachiyo Imamoto na dumating sa Pilipinas mula sa Japan kasama ang kaniyang asawa

Ipinaranas sa ika-walong milyong foreign tourist na dumating sa bansa ang Filipino hospitality nang bigyan siya ng mainit na salubong ng mga kawani ng Department of Tourism (DOT).

Imahe mula sa Facebook | Department of Tourism

Kinilala ang turistang ito na si Yachiyo Imamoto, 71 anyos, na dumating sa Pilipinas 1:33 p.m. noong Disyembre 27 kasama ang kaniyang asawang si Tamio. Sakay sila ng Nippon Airways Flight NH 869. Hindi raw ito ang unang beses na nakarating sila sa Pilipinas. Sa walong beses na tumapak sila rito ay nakalibot na nga raw sila sa iba’t ibang beaches sa Cebu at Palawan. Sa pagkakataong ito ay balak daw nilang pumunta sa Baler.

“We are truly thankful to be chosen for this event. This is our eighth visit here and we always visit our close friends in the Philippines,” sabi ni Yachiyo, isang beauty product dealer na madalas bumisita sa foster family nila sa bansa.

Sabi naman ni Tamio, “The Filipinos are very hospitable. I also keep coming back for mangoes, masarap.”

Imahe mula sa Facebook – Department of Tourism-Philippines

Ikinatuwa naman ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang milestone na ito.

“The DOT wishes for a fun-filled stay here for Yachiyo and for every tourist of the country thereafter especially this holiday season. Breaching the eight million mark is another milestone to celebrate, as it marks the unprecedented growth of the country’s tourism industry,” sabi ni Puyat.

Enero sa susunod na taon pa raw ilalabas ang detailed report ng tourist arrivals sa bansa para sa taong 2019 pero ngayon pa lang daw ay mas mataas na ang bilang ng mga turista kumpara sa 7.1 million foreign tourists na naitala noong 2018.

Maraming bagay ang kini-credit ni Puyat sa pagtaas na ito tulad ng paglunsad ng bagong It’s More Fun in the Philippines campaign, pagbubukas muli ng Boracay, at sustainable tourism advocacy efforts.

Source :

Facebook

Loading…