Ikaw ba ay nakagamit ng makalumang pang-ahit?

  • Naaliw ang mga netizens sa mga larawan ng makalumang pang–ahit na ibinahagi ng isang Facebook user
  • Gawa ito sa bakal at talaga namang matibay
  • Nagkomento ang mga netizens hinggil dito

Bahagi ng “proper grooming” para sa kalalakihan ang pag–aahit ng buhok sa mukha. Mapa–bigote man iyan o balbas, maingat itong inaalis ng ilan upang mapanatili ang malinis na awra. May ilan din namang pinipiling panatilihin ang mga buhok sa mukha lalo na’t bagay naman.

Subalit alam ba ninyong ang makalumang pang–ahit ay yari sa bakal at may kabigatan?

Ibinahagi iyan ng isang netizen na nagngangalang “James Rarela” sa Facebook page na “Memories of Old Manila”. Caption niya sa Facebook post: “Meron pa ba kayong naitatabing ganitong pang–ahit?”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Naaliw naman ang mga netizens sa mga larawang ito. Sanay na kasi ang karamihan na yari sa plastik ang mga pang–ahit kaya naman nagbigay sila ng komento hinggil dito.

“Ganiyan ang pang–ahit ng tatay at lolo ko. With a small case, made of the same material. Matibay ang mga ganiyan.”

“I still have it and blades too, gamit ni Tatay noon. Sa mga barber shop dito sa amin, minsan nakikita kong ginagamit pa.”

“Meron pa niyan ngayon. Kung meron pa kayo, just keep it later on, baka in more running years may maghanap niyan for additional collection. Maipagbibili nang mahal iyan.”

“Ganyan pa gamit ng husband ko. Talagang makikilala mo kung sino yung matanda na kasi pang–sinauna pa rin ang gamit.” Lol

Public Domain Image

Dalawang uri ng buhok sa mukha ang ginagamitan ng pang–ahit. Nariyan ang bigote na nasa ibabaw ng pang-itaas na labi, samantalang balbas o beard naman ang mga buhok na tumutubo sa paligid ng bibig kabilang na ang bigote. Balbas–sarado ang tawag sa isang taong punumpuno ng balbas, samantalang bigotilyo naman ang may bigote.

Source :

Facebook

Loading…