‘I’ll be back’: Anne Curtis, emosyonal sa pansamantalang pag-alis sa ‘It’s Showtime’

Imahe mula sa video ng ABS-CBN Entertainment via YouTube
  • Emosyonal si Anne Curtis nang magpaalam ito sa programang ‘It’s Showtime’ upang paghandaan ang nalalapit na panganganak
  • Excited daw siya sa bagong yugto sa kaniyang buhay pero nasanay na raw siya sa halos araw-araw na pagho-host dito
  • Masaya naman niyang sinabing sa pagbabalik niya ay may bago nang ‘diyosa’ dahil baby girl ang ine-expect nila ni Erwan

Emosyonal na nagpaalam ang It’s Showtime host na si Anne Curtis sa kaniyang mga kasamahan sa noontime show upang paghandaan ang nalalapit na panganganak.

Imahe mula sa video ng ABS-CBN Entertainment via YouTube

Sa opening ng episode noong Disyembre 23, 2019, inawit ni Anne ang kantang “Baby Mine” bago nagpaalam sa mga kapwa host na pansamantala munang aalis. Tinawag ni Anne na “bittersweet” moment ang tagpong iyon dahil daw nakasanayan niya na ang halos araw-araw na pagho-host dito.

“Alam mo sabi ko nga, napaka-bittersweet ng episode na ito kasi siyempre, imagine 10 years, every day ginagawa ko ito. It has become a big part of my life and you guys are my family rin,” sabi niya. Ngunit kailangan niya raw itong gawin upang paghandaan ang bagong kabanata sa buhay nila ng asawang si Erwan Heussaff.

“Kailangan din mag-concentrate kay baby so mawawala muna ako for a while but I’ll be back,” dagdag niya.

Imahe mula sa Instagram | Anne Curtis

Pinayuhan din ni Direk Bobet Vidanes si Anne na i-enjoy ang kaniyang baby pero huwag kalilimutan si Erwan. “Happy ako siyempre, you’re a mom now. Can I have a personal advice lang? You enjoy your baby but don’t ever forget Erwan,” sabi niya.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng mag-asawa na babae ang kanilang magiging baby sa pamamagitan ng isang gender reveal. “When I come back to Showtime, may bagong ‘diyosa’ na. Ang bagong itinakda, dadating na in a few months so I am happy, I am excited.”

Matatandaang kinasabwat ni Anne si Direk Bobet para ibalita sa mga kapwa host na magiging ina na siya. Bilang bahagi raw ng 10th anniversary ng show, ipinasulat ni Direk Bobet sa mga host kung ano siya at ang Showtime para sa kanila. Si Anne ang nasa huli at isinulat ang “Family, I’m pregnant.”

Saksi ang programa sa iba’t ibang milestones sa buhay ni Anne kaya ganoon na lamang kahalaga para sa kaniya ang Showtime. “From being single, nagkaroon ng boyfriend, nagkaroon ng asawa and now I am going to be a mom,” sabi ni Anne.

We wish you good health, Anne!

Source :

YouTube, YouTube

Loading…