“I’m very sorry”: Paghingi ng tawad ng 10-anyos na bata sa kanyang kapatid, kinagiliwan sa Twitter

Imahe mula sa Twitter | Krissi
  • Ikinatuwa ng isang Twitter user ang paghingi ng tawad ng nakababatang kapatid na nakasira ng audio ng kaniyang laptop
  • Ipinost niya ang note na natanggap mula sa kapatid at maraming netizens ang natuwa rito
  • Proud daw siya dahil marunong umako ng mali ang kapatid at handa itong gumawa ng paraan upang maitama ito

Pinag-uusapan ngayon sa Twitter ang napakainosente at sweet na paraan ng paghingi ng sorry ng isang 10 anyos na bata matapos niyang masira ang audio ng laptop ng kaniyang kapatid.

Imahe mula sa Twitter | Krissi

Kuwento ng Twitter user na si Krissi, hiniram ng nakababatang kapatid ang Macbook niya at na-stuck dito ang earphones niya pero hindi raw niya magawang magalit dito dahil sa note na kanyang nakuha.

“Sooooo, my 10-year-old little sister accidentally did something to my Macbook and i just can’t get mad at her because I love her with all my heart but also this note is EVERYTHING,” sabi niya sa Tweet na ngayon ay may 45k likes at 5k retweets na and counting.

Nakalagay sa note ang paliwanag ng nakababatang kapatid. “Ate I was using your Macbook then my earphone jack got stuck. Please call Apple so they can get it out! I’m sorry! I tried to get it out myself but instead I messed up my nails and broke half of my pens,” nakasaad sa note.

Ipinangako naman ng kapatid na maaayos ito at magtatrabaho siya para mabigyan siya ng perang pampagawa nito. “Your Macbook can be fixed! I will give you 1k by working. I’ll work and pay you back. I’m very sorry. Please don’t be mad.”

Imahe mula sa Twitter | Krissi

Sabi ni Krissi, hindi naman niya napansin na hindi gumagana ang sound sa kaniyang Macbook dahil hindi niya iyon madalas gamitin sa panonood. Ikinatuwa rin niya na ang kaniyang kapatid ay marunong umako ng pagkakamali at gumawa ng paraan upang maitama ito.

“I’m actually proud of her because as a kid this note proves that: 1. She’s willing to admit to her mistakes (‘I’m very sorry please don’t be mad’) 2. She’s willing to CORRECT her mistakes (‘I’ll work and pay you back’ and “I tried to get it out’),” sabi niya.

Sana lahat ng bata ay matutong umako ng pagkakamali at itama ito kahit nasa murang edad pa lamang. Ito kasi ay madadala niya sa kanyang paglaki.

Source :

Twitter

Loading…