Imbes na mainip sa pila sa ATM, netizen natuwa sa usapan ng tatlong lalaki ukol sa nakuha nilang bonus

  • Bukod sa 13th month pay, isa pa sa mga biyayang inaasam ng mga manggagawa ang Christmas bonus na ibibigay ng kanilang mga amo
  • Sa ganitong panahon, asahan din ang mahahabang pila sa harap ng automated teller machine (ATM)
  • Isang netizen ang nagbahagi sa social media ng nakaaantig na kuwentuhan ng tatlong lalaking nakatanggap ng kanilang bonus

Ang panahon ng Kapaskuhan ay panahon din ng pagtanggap ng mga karaniwang manggagawa ng kanilang Christmas bonus. At kapag ganitong panahon, asahan na ang mahabang pila sa mga automated teller machine (ATM) lalo na kung diretso sa ATM card ang bonus na natanggap.

Imahe mula sa Pixabay

Tiyak na marami rin ang agad na naiinip sa pila kapag nataon pang matagal gumamit ng machine ang sinundan sa pila. Gayunman, isang netizen ang imbes na magalit ay nakaramdam ng kasiyahan dahil sa inspirasyong dulot ng tatlong lalaki sa harap ng pinipilahan niyang ATM.

Sa isang Facebook post ni Vinia Buena ay ikinuwento nito ang isang tagpo na nakapagpapataba ng puso ng sinumang makaririnig.

“Imbis na mabwisit ako dahil almost 30 minutes na ako naghihintay sa pila, natuwa ako habang naririnig ko sila,” pambungad sa post ni Buena na may kalakip na larawan ng tatlong lalaki sa harap ng isang ATM.

Narito ang post ni Buena na masasabing usapan ng tatlong lalaki sa larawan: “Tagal ko hinintay to pare, may pambili na bagong sapatos anak ko.” “Uy nakakuha ako 2,000 dami namin mabibiling handa neto.” “Bait ni boss binigyan tayo bonus.” “Text ko pa nga misis ko gusto nun spaghetti sa Pasko eh.”

Sa payak na usapan na ito, may nakaaantig na realisasyon si Buena.

Imahe mula sa Pixabay

“Nakakatuwa lang kasi even they received small amount as their Christmas bonus, hindi sila nagreklamo, instead, in-appreciate nila and inisip pa din na these are blessings,” paliwanag ni Buena.

“Unlike others, pag binigyan mo ng pandesal, gusto pa burger. Be grateful of what you have received. Hindi lahat nakakakuha ng kung anong meron ka ngayon,” wakas ng post ng netizen.

Sa loob lamang ng ilang oras, agad na nag-viral ang post ni Buena.

Source :

Facebook

Loading…