Inang may kapansanan, matiyaga pa ring inihahatid ang anak sa paaralan

Imahe mula sa video ng KMJS via Facebook
  • Maraming netizens ang na-touch sa video na in-upload ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa kanilang page
  • Makikita rito ang isang inang may kapansanan na pasakay sa pampublikong sasakyan kasama ang kaniyang anak
  • Ayon sa caption, sa kabila ng kapansanan ay araw-araw pa ring hinahatid ng ina ang kaniyang anak sa eskwelahan

Lahat ay kayang gawin ng isang ina para sa kaniyang mga anak. Patunay rito si Vic-vic, ang ina mula sa Guindulman, Bohol na sa kabila ng kapansanan ay araw-araw pa ring hinahatid sa eskwelahan ang pre-school na anak.

Imahe mula sa video ng KMJS via Facebook

Araw-araw ay sumasakay ng tricycle ang mag-ina para makarating sa paaralan ni Ar-ar. Sabi ni Vic-vic, kahit hirap siya ay pilit pa rin niyang sinasamahan ang anak dahil natatakot siyang may mangyari rito. “Kung madisgrasya siya, maibabalik pa ba? ‘Di baleng magsakripisyo ako kesa madisgrasya ang anak ko,” sabi ni Vic-vic.

Ipinatingin ng KMJS si Vic-vic sa espesyalista at dito nila nalaman na may paralytic p0li0 pala siya. Hindi raw nakatanggap ng bakuna si Vic-vic noong bata pa lang siya.

Una nang nag-upload ang KMJS ng 37-segundong video na nagpapakita sa pagsakay ng tricycle ng mag-ina na ngayon ay may 3.4k shares at 694k views na.

Hinangaan si Vic-vic ng netizens na nag-iwan ng komento sa video. Sabi ni May Ann Bundalian, “Kahanga-hangang ang pagmamahal at sakripisyo ng mga ina para sa kaniyang mga anak. Ibang klase magmahal ang isang ina. Handang gawin lahat maitaguyod lang ang mga anak.”

Sinang-ayunan naman ito ni Anrei Legarde at sinabing “A mother will do everything for her child. Kudos to all moms!”

I-click ang imahe para mapanood ang video mula sa Facebook | Kapuso Mo, Jessica Soho

Dagdag naman ni Seisei,”Kahit ako gagawin ko ang lahat para sa mga anak ko. Walang katumbas ang pagmamahal ng isang ina kaya sana mahalin pa rin tayo ng ating mga anak hanggang sa pagtanda natin.”

Paalala naman ni Anna Navarro, “Sa mga anak diyan, mahalin ninyo ang magulang ninyo kahit ano pa siya o may kapansanan man kasi lahat gagawin nila para sa inyo kasi mahal na mahal nila kayo.”

Kudos sa lahat ng mga ina!

Loading…