Indonesian President Jokowi pinasalamatan si Roger Casugay sa pagligtas sa Indonesian surfer

  • President Jokowi ng Indonesia, pinasalamatan ang Pinoy surfer na si Roger Casugay
  • Tinulungan ni Casugay ang Indonesian surfer na si Arip Nurhidiyat na tinangay ng malaking alon nang mapigtas ang surfboard leash nito
  • “Winning the competition and upholding sportsmanship is important, but humanity is above all,” sabi ni Pres. Jokowi

Sa pamamagitan ng social media ay ipinarating ng Pangulo ng Indonesia na si President Joko “Jokowi” Widodo ang taus-pus0ng pasasalamat sa ginawang pagliligtas ni Roger Casugay sa kakumpitensiyang Indonesian surfer.

Imahe mula sa Twitter account ni Pres. joko “Jokowi” Widodo

“Winning the competition and upholding sportsmanship is important, but humanity is above all,” sabi ni Pres. Jokowi sa Twitter post niya gamit ang sariling wika noong Lunes, ika-9 ng Disyembre.

“My appreciation for Roger Casugay, a Filipino surfer who gave up the golden opportunity to help Indonesian athletes who fell in the race. Greetings from Indonesia,” dagdag pa ng Indonesian President.

Matatandaang nag-viral sa social media noong December 6 ang ginawa ni Roger Casugay matapos niyang tulungan ang Indonesian surfer na si Arip Nurhidiyat sa kalagitnaan ng kanilang kompetisyon sa longboard event ng SEA Games sa Monaliza Point sa San Juan, La Union.

Natanggal ang surfboard leash ni Nurhidiyat at tinangay siya ng malakas na alon. Hindi naman nagdalawang-isip si Roger Casugay at agad na binalikan ang katunggali upang tulungan.

Ang laban ng dalawa ay na-reschedule at tinalo niya ang Indonesian competitor sa semifinals. Nasungkit ni Casugay ang gintong medalya para sa longboard open event nang talunin niya ang kapwa Pinoy na si Rogelio Esquivel noong ika-8 ng Disyembre.

Imahe mula sa Twitter account ni Pres. joko “Jokowi” Widodo

Sa kabila ng pagsagip niya kay Nurhidiyat, hindi itinuturing ni Roger Casugay ang sarili bilang isang bayani.

“Hindi ako bayani. Hindi ko naman talaga siya sinagip mula sa pagkakalun0d. Mahusay siyang swimmer. Pinakalma ko lang siya,” buong mapagkumbabang giit ng 25-anyos na si Casugay.

Imahe mula sa Facebook account ni Jocelyn Dulay via FastbreakPH

Loading…