“Isang prinsesa, nakaupo sa tasa”: Nakatikim ka na ba ng “kasoy?”

  • Nabuksan ang interes ng mga netizen sa isang bungang may nakalitaw na buto sa ituktok nito
  • Tinatawag itong kasoy, kasuy, o balubad
  • Ang buto nito ay ginagawang mani na kadalasang inilalako sa mga bus o itinitinda sa mga bilihan ng pasalubong

“Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.” Narinig mo na ba ang sikat na bugtong na iyan? Ano ang sagot? Tiyak na iisa lamang ang maiisip ng mga tao. Ito ay walang iba kundi ang bungang “kasoy”.

Isang netizen na nagngangalang Omar Tiglao ang nagbahagi ng mga larawan nito sa Facebook page na “Memories of Old Manila”.

Batay sa kaniyang Facebook post, nakalagay sa kaniyang caption na ang kasoy ay inilarawan niya bilang “mabitaminang prutas na mas kinakain ang buto”.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Kahit hindi pinangalanan, natukoy naman ng mga netizen na ang naturang prutas ay kasoy. Sabi ng isa, “Kasoy ang tawag pero sa Tarlac, balubad ang tawag namin, iniihaw namin ang buto kaya lang pinapagalitan kami ng mga matatanda noon kasi raw magkakabulutong mga manok.”

Kuwento naman ng isa pang netizen na nakakain na nito, “Masarap ang buto niyan, ginagawang cashew nuts. Sarap din ng laman niyan,  inii–slice ng maninipis, nilalagyan ng asukal at asin, tapos ibababad nang magdamag sa ref, ang sarap pati katas. Medyo makati nga lang sa lalamunan.”

“Way back we don’t really eat the fruit, iyong buto lang. Buwan ng Mayo, tagbunga ang mga kasoy, dilaw ang kulay kapag hilaw at pula kapag hinog na; manamis–namis at medyo mapakla ang lasa. Sa Sual, Pangasinan, marami niyan.”

Ang kasoy, kasuy o balubad (sa Ingles ay cashew)  ay isang uri ng puno o bunga na kahugis ng peras, na ang kulay ay dilaw o pula. Tumutubo sa labas ng prutas nito ang buto, na napagkukunan naman ng mga makakaing mani na kadalasang mahal ang presyo.

Public Domain Image

Ito raw ang numero–unong kalaban ng mga sabungero dahil hindi maaaring makaamoy ng samyo nito ang kanilang mga manok–panabong, dahil pinaniniwalaang magkakasipon daw, at baka matalo pa sa sabong.

Ayon sa mga eksperto, ang kasoy ay keto-friendly snack na maaaring makatulong upang makaiwas sa iba’t ibang mga sakit. Nakapagpapaganda rin umano ito ng kutis at buhok, at nalilinis ang mga ugat at nerves dahil sa taglay nitong micro–nutrients.

Loading…