Isang tunay na “Swiftie”: Pinoy ginawang paksa ng thesis si Taylor Swift

  • Isang UP Diliman alumna ang gumawa ng thesis na pumapaksa kay Taylor Swift
  • Sinuri niya sa kaniyang thesis ang epekto ng mga awitin ni Taylor Swift sa buhay ng mga tagahanga nitong Pilipino
  • Inialay niya ito para sa kaniyang idolo na nagdiwang ng kaarawan

Isang certified “Swiftie” o tagahanga ng international singer na si Taylor Swift ang gumawa ng isang thesis na pumapaksa sa kaniyang idolo at kung paano ito nakaimpluwensiya sa kulturang Pilipino.

Ang thesis na “Look What You Made Me Do: A Study on the Individualized Fan Culture of Filipino Taylor Swift Fans” ay ginawa ni Katherine Joy Tolentino, nagtapos ng kursong Mass Communication sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, bilang pagpupugay na rin sa kaniyang idolong si Taylor Swift. Inihayag niya ito sa kaniyang Twitter post.

Imahe mula sa Twitter account ni Kate Tolentino

“HAPPY BDAY TO TAYLOR SWIFT, THE QUEEN OF MY HEART, BODY, AND SOUL! Wish I could send over my thesis (which is all about you and your lovely Filipino fans) to you as a present because I wouldn’t have found lifetime friends nor would I have graduated without you in my life,” saad ni Kate.

Makikita naman sa Iskomunidad ang abstract ng thesis ni Tolentino.

“The study acknowledges the power of media and its contribution to the development of an individual. This includes how fans do not practice fan culture only as a form of hobby, but rather allowing an external force to create an impact in their lives. In particular, this study shows how an international artist, Taylor Swift, was able to reach out to our country, contributing to the prominent fan culture in the Philippines.”

Karagdagan: “In several in-depth interviews with Filipino Taylor Swift fans, the study reveals how the gap between foreign media and fans are bridged through the connection formed through media consumption. With this in mind, the research viewed the personal lives of individual Filipino Taylor Swift fans as they were able to develop self-esteem, identity, and empowerment, through the continuous consumption of Taylor Swift’s content.”

Imahe mula sa Twitter account ni Kate Tolentino

Si Taylor Swift ay isang American singer–songwriter na nakilala sa kaniyang mga kantang nagsasalaysay ng kaniyang buhay. Ilan sa mga sikat niyang awitin ang Shake It Off, Me!, Blank Space, Look What You Made Me Do, You Belong With Me, Cruel Summer, at marami pang iba.

Loading…