Ivanatics: Jersey ng isang basketball team, mayroong mukha ng rising Kapamilya star na si Ivana Alawi

  • Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang kakaibang basketball jersey
  • May mukha kasi ito ng rising Kapamilya star na si Ivana Alawi
  • Pumatok naman ito sa mga netizens at sinabing magandang ideya ito para sa kanilang jersey sa mga liga

Mula nang lumabas sa ABS-CBN teleserye na Mea Culpa ang StarStruck avenger na si Ivana Alawi ay naging matunog na ang pangalan niya bilang bagong ‘crush ng bayan.’ Hindi man napapanood sa anumang Kapamilya serye ngayon, marami naman ang nag-aabang ng vlogs niya sa kanyang YouTube channel at Facebook page. Sa katunayan, madalas na umaabot milyong views ang mga ibinabahagi niyang video.

Marami ring kalalakihan ngayon ang humahanga sa angking ganda at kaseksihan ni Ivana. Naging sikat na meme din ang Kapamilya actress dahil marami umanong magkasintahan ang nag-aaway dahil sa labis na paghanga ng mga nobyo nila kay Ivana.

Larawan mula sa Facebook account ni Jaderick Villena Jocson

Pero ang grupo ng mga basketbolista sa isang liga ay proud na proud sa kanilang paghanga kay Ivana. Tila hindi na napigilan ng kani-kanilang nobya ang kanilang mga kapareha dahil ang jersey nila ay may mukha ng Kapamilya actress.

Ibinahagi ng netizen na si Jaderick Villena Jocson ang larawan ng isang basketball player na may suot na jersey na may mukha ni Ivana. Ang pantaas at pambaba ng kanilang blue basketball uniform ay mayroong mukha ng aktres na pumatok naman agad sa ibang mga netizen.

Umabot na sa mahigit 1,000 ang reaction ng post na ito ni Jocson na karamihan ay ‘haha’ habang ang comments naman ay nasa 300 na at 3,700 ang shares. Maraming kalalakihan na nagbabasketbol din ang nakakuha ng ideya sa susunod na disenyo ng kanilang jersey para sa liga ng barangay.

Larawan mula sa Instagram account ni Ivana Alawi

Marami rin ang nagta-tag sa kanilang mga kaibigan na humahanga sa ganda ni Ivana. May mga nobyo rin na nagta-tag sa kanilang girlfriend na naiinis naman dahil tila nagsesel0s ang mga ito kay Ivana. Mayroon pa ngang isa na hinamon ang kanyang boyfriend na magpa-print din ng damit na may mukha ni Ivana.

Sabi naman ng ilan, kung magiging ganito raw ang disenyo ng kanilang jersey ay mas gagaling sila sa liga at sigurado na raw ang kanilang best in uniform award. Wala pa namang reaksiyon si Ivana tungkol sa paghanga ng mga basketball player na ito sa kanya.

Loading…