Jackie Chan muntik malunod sa ginagawang pelikula, director naiyak matapos mailigtas ang action star

  • Action superstar na si Jackie Chan muntik nang malun0d habang ginagawa ang bagong pelikula
  • Napaiyak ang director ng pelikula matapos ma-rescue ang aktor
  • Kinikilabutan umano si Jackie Chan tuwing naaalala ang insidente

Muntik nang malun0d ang action superstar na si Jackie Chan sa ginagawang bagong action thriller movie na pinamagatang “Vanguard.” Mabuti na lang at alerto ang movie crew na mabilis umaksyon upang mailigtas ito.

Screenshot mula sa official trailer ng Vanguard

Nangyari ang insidente habang kinukunan ang isang jet ski sa gitna ng dagat, naipit si Jackie Chan sa isang bato at hindi makaahon  dahil sa pagkakaipit. Kung hindi naagapan ng mga crew ay siguradong nalun0d na ang aktor.

Kuwento ni Chan sa isang press conference sa Beijing noong nakaraang linggo, pinilit niya ang sarili na manatiling kalmado. Binulungan daw niya ang sarili na “Jackie, don’t panic.”

Masuwerte namang nailigtas siya. Nakangiti pa raw ang aktor nang maiahon mula sa tubig at siya pa ang nagpakalma sa director ng pelikula na si Stanley Tong na hindi napigilan ang pag-iyak dahil sa nangyari.

Sabi ni Tong, nagpa-panic na siya habang naghihintay sa dalampasigan at nang makitang ligtas na ang aktor ay hindi raw niya napigilang mapaluha.

“When I saw Jackie saved and when he emerged out of the water, I just could not hold back my tears,” sambit ni Tong.

Imahe mula sa Facebook account ni Jackie Chan

Sabi naman ni Chan, napagtanto lang niya  na nalagay siya sa panganib habang naliligo siya noong gabi matapos ang insidente. Saka lang daw naramdaman ang takot at nagsimula siyang kinilabutan. Naisip niya na puwede niyang ikinasawi ang nangyari.

“When I took a shower later that night and remembered the incident, I suddenly felt really scared and started shaking. I was thinking about how I could have so easily died,”

Sabi ni Tong, ang insidente ay isang patunay kung bakit isang global star si Jackie Chan. Palagi raw ibinibigay ng aktor ang lahat para sa pelikula at ayaw nitong gumamit ng body double.

Ang Vanguard ang ika-siyam na pelikula na pinagsamahan nina Jackie Chan at Stanley Tong.

Screenshot ng Vanguard poster

Loading…