Jimuel, ibinunyag sa vlog ang “regalo” niya sa kaarawan ng amang si Manny Pacquiao

  • Ibinunyag ni Jimuel sa isang vlog ang “regalo” niya sa kaarawan ng amang si Manny Pacquiao
  • Inamin ni Jimuel na wala siyang pera para bumili ng kotse para sa ama kaya isang prank ang ginawa niya
  • Ang susi ng Chevrolet Corvette na regalo mismo sa kanya ng ama ang inabot niya kay Manny bilang “regalo”

Ano ba ang maireregalo mo sa isang taong nasa kanya na ang lahat?

Ito ang katanungan na nabuo sa isip ni Emmanuel “Jimuel” Pacquiao, Jr., ang panganay na anak ni Manny at Jinkee Pacquiao, noong araw na nagdaos ng ika-41 na kaarawan ang ama ilang linggo na ang nakalilipas.

Screenshot mula sa vlog ni Jimuel

Sa isang vlog na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account, ibinunyag ni Jimuel ang “ibinigay” niyang regalo sa ama sa birthday nito noong ika-17 ng Disyembre na ginanap sa Makati Shangril-La Hotel.

“So my dad just turned 41 a few weeks ago. After the awesome gift he got me on my birthday, it really got me thinking about what kind of present he’d appreciate. I mean, what does one get Manny Pacquiao for his birthday, right?” post ni Jimuel.

Inamin ni Jimuel na wala siyang pera para bumili ng bagong kotse para sa ama kaya isang prank ang ginawa ng binata.

Makikita sa unang bahagi ng vlog na hinahanap ni Jimuel ang ama na abalang-abala sa pakikitungo sa mga bisitang dumalo sa kasiyahan. At nang makita niya si Manny ay agad niya itpong nilapitan at sinabi na may ireregalo siya.

Iniabot ni Jimuel sa ama ang susi ng kotse niyang Chevrolet Corvette na si Manny mismo ang nagregalo sa kanya noong nakaaran niyang kaarawan.

Screenshot mula sa vlog ni Jimuel

“Daddy, here’s your gift,” anang binata sabay abot sa ama ng susi ng Corvette.

Sa una ay parang nagulumihanan pa si Manny sa regalo ng anak, pero nang mapagtanto niya na isang biro lang iyon ay natawa na lang siya.

“So guys, wala akong pera pambili ng regalong car, pero if I had the money I would give everything to my dad kasi he gave everything for us and I love him so much,” ani Jimuel.

Sa puntong iyon ay nagyakap ang mag-ama. (I-click ang larawan para mapanood ang video)

Screenshot mula sa vlog ni Jimuel
Source :

Facebook

Loading…