Jollibee na sumayaw ng “Tala”, naghatid ng saya

  • Maging si Jollibee ay hindi nagpatalo sa nauusong “Tala Dance Craze” ngayong 2019
  • Ang awiting “Tala” ay pinasikat ng nag–iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo
  • Isinulat ito ng mga composer na sina Nica del Rosario at Emmanuel Sambayan at ang music and production nito ay nasa pamamahala nina Jumbo De Belen at Alisson Shore ng Flip Music Production

Isa sa mga nauusong dance craze ngayon ang “Tala” na kinanta, sinayaw, at pinauso ni Popstar Royalty Sarah Geronimo. Bagama’t noong 2015 pa ito unang nai–release, muli itong nauso ngayong 2019 bilang dance challenge at isinayaw ng maraming mga netizen.

Kaya naman, hindi rin nagpatalo sa dance craze ang mga mascot ng mga sikat na fast food chain sa bansa, kabilang na riyan si Jollibee. Ibinahagi ito ng netizen na si Joever Banquisio, at ang video ay kuha mula sa isang Caloy Aguinaldo. Hindi raw magpapatalo si Jollibee sa Tala Dance Craze, lalo na’t ang tagline ng Jollibee ay “Bida ang Saya”. Nagbunsod ng katuwaan sa mga netizen ang pag–indak at pag–imbay ni Jollibee sa Tala.

I–click ang larawan upang mapanood ang video mula sa Facebook account ni Joever Banquisio

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizen. Sabi ng isa, “Ang cute naman ni Jollibee! Bida talaga ang saya!”

Turan naman isa, “Ang galing sumayaw ng taong nasa loob ni Jollibee. Siguro, Popster ito hahaha. Nakakaaliw talagang kumain sa Jollibee!”

Ang awiting “Tala” o Star sa Ingles ay isinulat ng mga composer na sina Nica del Rosario at Emmanuel Sambayan at ang music and production nito ay nasa pamamahala nina Jumbo De Belen at Alisson Shore ng Flip Music Production. Ito ay inilabas bilang lead single sa platinum album ni Sarah na “The Great Unknown”.

Ang naturang awitin ay most played OPM songs noong 2016 at nagwagi pa bilang “Song of the Year” noong 2017 Myx Music Awards. Noong 2018, nagtanghal ang Popstar Royalty sa saliw nito para sa  ASEAN-Japan Music Festival na ginanap sa Tokyo. Nitong 2019, pinarangalan ito ng CNN Philippines  bilang Best OPM song of 2010’s.

Public Domain Image

Bukod sa magandang sayaw at awitin, patok din ang music video nito na nagpapakita ng kaseksihan ni Sarah Geronimo. Ang mga choreographer umano nito ay si Teacher  Georcelle ng dance crew na G-force sa direksyon naman ni Paul Basinilio.

Loading…