Jun Lana, Best Director sa film fest sa Estonia

Imahe mula sa Instagram | Jun Lana
  • Muling kinilala ang galing ng Pilipino sa larangan ng film-making
  • Ginawarang ‘Best Director’ si Jun Lana para sa pelikulang Kalel, 15 na tumatalakay sa buhay ng isang teenager na may HIV
  • Nagpasalamat si Lana sa tinanggap na parangal at sa pagkakataon upang mapag-usapan ang isyung kinakaharap ng Pilipinas sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng HIV

Pinangalanan ang Pinoy na si Jun Lana na “Best Director” sa 23rd Tallinn Black Nights Film Festival na ginanap kamakailan sa Estonia.

Imahe mula sa Instagram | Jun Lana

Ang karangalan ay para sa pelikula niyang “Kalel, 15” na tumatalakay sa buhay ng teenager na may HIV. Sa post ni Lana sa Instagram, nagpasalamat siya sa parangal at sa binigay nitong pagkakataon upang pag-usapan ang epidemic na ito lalo na at tumataas na ang kaso nito sa Pilipinas.

“Thank you @tallinnblacknightsff for this amazing recognition and for giving us a platform to start a conversation about the HIV epidemic sweeping through our country. Kalel15 is not just the story of every young Filipino living with HIV. It is our story as a nation and how we are failing our children,” sabi ni Lana.

Ang pelikula ay pinagbidahan ng actor na si Elijah Canlas, kasama sina Jaclyn Jose at ang pumanaw na aktor na si Eddie Garcia. Naiuwi ni Lana ang pagkilala isang araw lang matapos tanggapin ni Judy Ann Santos ang Best Actress award para sa kaniyang pagganap sa Mindanao sa 41st Cairo International Film Festival.

Imahe mula sa Instagram | Jun Lana

Samantala, naiuwi ng Kontora, isang Japanese movie, ang Grand Prix award; Best actress si Alina Serban para sa Gipsy Queen; Best actor si Cavan Clerkin para sa Muscle; Best Script at NETPAC awardees sina Evgeny Ruman at Ziv Berkovich para sa Golden Voices; Festival Audience Award naman ang When The Moon was Full. Tinanggap din ng Russian director na si Andrei Konchalovsky at ang Estonian filmmaker/sound director na si Enn Sade ang Lifetime Achievement Awards.

Congratulations, Direk  Jun Lana!

Loading…