Kapamilya love teams, nagpakilig sa 2019 ABS-CBN Christmas special

Imahe mula sa video ng ABS-CBN via YouTube
  • Kilig ang handog ng Kapamilya love teams sa 2019 ABS-CBN Christmas special
  • Ilan sa mga love teams na umawit ng OPM classics sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil, at Janella Salvador at Joshua Garcia
  • Umawit din sa programa sina Regine Velasquez, Sharon Cuneta, at Sarah Geronimo

Nagsama-sama ang mga Kapamilya love teams upang magpakilig sa 2019 ABS-CBN Christmas special kung saan ibinida nila ang mga OPM classics at mahusay nila itong naitanghal.

Imahe mula sa video ng ABS-CBN via YouTube

Sinimulan nina Edward Barber at Maymay Entrata ang programa sa pamamagitan pag-awit ng 1954 musical na “Waray Waray.”  Sinundan sila ng iba pang love teams gaya ng Kadenang Ginto tandems Kyle Echarri – Francine Diaz at Seth Fedelin – Andrea Brillantes.

Hindi rin nagpahuli sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, Kim Chiu at Xian Lim, Janella Salvador at Joshua Garcia, Maris Racal at Inigo Pascual, Liza Soberano at Enrique Gil, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa comments sa YouTube video, kaniya-kaniyang cheer ang fans para sa kanilang mga idolo.

Sabi ni W Anora, “Wow, grabe ang heart ko. Ang saya, nasali ang MarNigo sa line up nina KathNiel, LizQuen, KimXi, MayWard, at JoshNella. Sana maging official love team na at maka-project na ang MarNigo please.”

Sabi naman ni W Caballa, “Basta Kapamilya stars like them, hindi kailangan ng nametags.”

Imahe mula sa video ng ABS-CBN via YouTube

Tuwang tuwa naman si YouTube user na si T Dollar sa pagsasama-sama ng cast ng Kadenang Ginto. “The Gold Squad is amazing! More projects to come! They’re gonna be one of the most successful teens out there! Good job, ABS-CBN for bringing them together!”

Samantala, bago pa man ang concert nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo ay nagpa-sample na sila ng mga awitin nina Whitney Houston at Celine Dion. Sumama rin sa kanila si Megastar Sharon Cuneta na kinanta ang “Unbreak My Heart” ni Toni Braxton. Bilang pagtatapos ay nagsama-sama silang tatlo sa pag-awit ng “Tell Him.”

Nakatakda ang two-day Unified concert nina Regine at Sarah sa Smart Araneta Coliseum sa February 14 at 15, 2020.

Panoorin sila at makisaya!

Source :

YouTube, ABS-CBN

Loading…