Kapuso stars handa na sa “The Kapuso Countdown to 2020” sa pagsalubong sa Bagong Taon

  • Mga Kapuso stars naging abala sa rehearsals para sa “The Kapuso Countdown to 2020: The GMA New Year Special”
  • Pangungunahan ng Asia’s Multimedia Star at lead actor ng seryeng ‘The Gift’ na si Alden Richards ang grand celebration
  • Ang live show sa SM MOA ay opisyal na magsisimula alas-otso ng gabi at ang main show ay sisimulan alas-diyes y media ng gabi

Naging abala ang mga Kapuso stars sa pagre-rehearse ng kanilang mga production numbers sa gaganaping pagsalubong sa Bagong Taon. Tinawag ang masayang event na “The Kapuso Countdown to 2020: The GMA New Year Special.”

Imahe mula sa GMA

Ang exciting merry-making event ay pangungunahan ng  mga pinakamalalaki at pinakamaningning na bituin ng GMA Network, na kilala rin sa tawag na Kapuso Network dahil sa outline ng logo nito. Gaganapin ang show sa SM Mall of Asia, Seaside Boulevard sa Pasay City sa Martes, ika-31 ng Disyembre.

Pangungunahan ng Asia’s Multimedia Star at lead actor ng seryeng ‘The Gift’ na si Alden Richards ang grand celebration sa naging abala sa pag-eensayo ng kanyang dance and song numbers sa site ng event nitong ika-30 ng Disyembre.

Kabilang sa mga nagsaksihan ng mga fans na sumugod sa rehearsal venue sina Rocco Nacino, Julie Ann San Jose, Mark Bautista, Kris Bernal, Kyline Alcantara at ang magkapatid na sina Sanya Lopez at Jak Roberto.

Kahit pagod dahil kararating lang mula sa kanyang Korean vacation, dumiretso sa rehearsal ang “Pambansang Bae” na si Alden na nagsabing ito na ang kanyang ika-sampung taong pakikibahagi sa countdown.

Screenshot mula sa GMA video

Tradisyon niya na raw ito sa pagsalubong sa Bagong Taon.

“This marks my 10th year sa New Year countdown. This is my 10th countdown. This is my way of giving thanks, s’yempre, sa Diyos, sa GMA for trusting me at sa mga manonood natin at sa mga fans,” aniya.

Ang live show sa SM MOA ay opisyal na magsisimula alas-otso ng gabi at ang main show ay sisimulan alas-diyes y media ng gabi. Para sa mga hindi makapupunta sa SM MOA, ang show ay mapapanood sa GMA 7 simula 10:30 ng gabi.

Imahe mula sa GMA

Loading…