Kendra at Scarlett Kramer, mistulang mga super model ang pose

  • Mistulang mga super model ang magkapatid na Kendra at Scarlett sa pinakabago nilang larawan sa social media
  • Ibinahagi ito ng padre de pamilya ng Team Kramer na si Doug Kramer
  • Hindi makapaniwala si Doug na may little super models na siya

Isa sa mga minamahal at sinusubaybayang pamilya sa social media ang “Team Kramer” na binubuo ng mag–asawang Doug at Cheska Kramer, kasama pa ang kanilang tatlong mga cute na chikiting na sina Kendra, Scarlett, at Gavin. Good vibes ang hatid nila sa lahat, dahil itinatampok nila ang isang ideal na pagmamagulang at pagpapamilya.

Kamakailan lamang, muling naghatid ng ngiti sa mga netizen sina Kendra at Scarlett dahil pinatunayan nilang sinusundan nila ang mga yapak ng kanilang mga magulang. Sa Instagram post ni Doug noong Disyembre 20, 2019, makikita ang larawan nina Kendra at Scarlett habang naka–pose na tila mga supermodels.

 

Imahe mula sa Instagram account ni Doug Kramer

“So Kendra and Scarlett approached me and said, Daddy use the night mode, take a picture of us please! Golly, my little super models!”

Hindi naman napigilan ng mga netizen na ibulalas ang kanilang paghanga sa dalawang bata. Sabi ng isang netizen, “Ang cute naman nina Kendra and Scarlett! Manang–mana sa kanilang mga parents. Sana dumating din ang chance sa akin na magkaroon din ako ng mga anak na gaya nila!

Komento naman ng isa, “These are truly pretty siblings! Can’t wait to see them conquering the local and international runways. Nakikita ko si Cheska Garcia kay Kendra. Scarlett is absolutely charming!”

“They are the future face of super models. I know that Doug and Cheska are guiding them well. Hope to see them both in print ads or on TV!”, saad naman ng isa.

Imahe mula sa Instagram account ni Doug Kramer

Hindi lang ito ang unang pagkakataong pinag–usapan ang pose nina Kendra at Scarlett. Karamihan sa kanilang mga larawan ay makikita sa mga social media accounts ng kanilang mga magulang. Maraming mga tagahanga na rin ang nananabik  na makita ang dalawang magkapatid bilang mga supermodels balang–araw.

Loading…