Kilalanin: Miss World 2019 Toni-Ann Singh ng Jamaica

Imahe mula sa Instagram | Toni-Ann Singh
  • Ipinasa ni Miss World 2018 Vanessa Ponce De Leon ang korona bilang bagong Miss World kay Miss Jamaica Toni-Ann Singh
  • Isa si Singh sa mga unang napabilang sa top 40 dahil sa talent “fast track” kung saan ipinakita niya ang talento sa pag-awit
  • Kilala sa kaniyang adbokasiyang women empowerment ang 23 anyos na si Singh na nagtapos ng kursong Psychology and women studies sa Florida State University

Punung-puno ng pasasalamat at kagalakan si Miss Jamaica Toni-Ann Singh na itinanghal na Miss World 2019 sa ginanap na coronation night sa Excel Arena sa London.

Imahe mula sa Instagram | Toni-Ann Singh

Sa isang Instagram post, nagpasalamat siya sa mga sumuporta sa kaniyang Miss World journey kasama ang mga representative ng 100 iba pang bansa. “My heart is filled with love and gratitude. Thank you so much for believing in me. You pushed me to believe in myself. I am not only honored but humbled to be the 69th Miss World. Thank you to my family and to my friends. The love and support you poured into me now allows me to pour into the world,” sabi niya.

Ipinasa ni Miss World 2018 Vanessa Ponce de Leon ang Miss World crown kay Singh, na isa sa mga unang nakasungkit ng puwesto sa Top 40 dahil sa talent “fast track,” kung saan ipinakita niya ang talento sa pag-awit.

Samantala, first runner up naman si Ophely Mezino ng France at second runner up si Suman Rao ng India.

Nagtapos ang 23 anyos na si Singh ng kursong Psychology and Women Studies sa Florida State University kaya ganoon na lamang ang paghahangad niyang mabigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na makapag-aral.

“I am already so grateful to be part of Miss World legacy and honestly, with or without this crown, I will continue to use this platform to advocate for the education and the holistic development of women,” aniya.

Image via Instagram

Nagbabalak pang mag-aral ng medisina si Singh at nagpahinga lamang ng isang taon mula sa pag-aaral nang magdesisyon na sumali sa Miss World.

Nang tanungin kung bakit siya ang nararapat na koronahang Miss World, tugon niya, “I think I represent something special, a generation of women that are pushing forward to change the world. I wouldn’t say I’m different from any other women on this stage, but I will say that my passion for women and pouring into them and making sure that they’ve had the same opportunities that I’ve had is something that sets me apart.”

Ibinahagi niya rin sa one-on-one interview sa British broadcaster na si Piers Morgan na ang kaniyang ina ang pinaka-inspiring na babae para sa kaniya.

“The most inspiring woman to me is my mother. Now I must say if my mother and my father are the roots and I am the tree, then really any work that I do, anything that I’m able to change in the world, it is the fruits of their labor. I have watched her pour everything into me even at the sacrifice of her own wants and her own needs and that’s why I’m able to sit before you today.”

Imahe mula sa Instagram | Toni-Ann Singh

Mensahe naman ni Singh sa mga kababaihan sa buong mundo, magkaroon daw sila ng tiwala na kaya nilang abutin kung ano man ang kanilang pangarapin.

“This crown is not mine but yours. It’s for you to truly understand that no matter where you’re from and the cards you’re dealt in life – your dreams are valid. You have a PURPOSE,” aniya.

Ito na ang ika-apat na Miss World crown na naiuwi ng Jamaica buhat nang magsimula ang pageant noong 1959. Nanalo rin ang representative ng Jamaica noong 1963, 1976, at 1993.

Samantala, narito ang isang video ng mga highlights kay Miss Jamaica Miss World 2019 na ibinahagi ni The Undeniable One sa YouTube:

Loading…