Kim Chiu, labis ang kagalakan para sa kapatid na isa nang commercial pilot

  • Nagkaroon ng #ProudAteMoment si Kim Chiu sa kaniyang Instagram account
  • Labis ang kagalakan ni Kim sa tagumpay na nakamit ng kaniyang kapatid na si John Paul
  • Isa nang ganap na commercial pilot si John na naka-base sa Canada

Labis ang kagalakan na nadarama ni Kim Chiu sa tagumpay ng kaniyang kapatid na si John Paul Chiu nang makapasa ito sa Commercial Pilot Flight Test noong Disyembre 19 sa Edmonton/Villeneuve Airport sa Alberta, Canada.

Imahe mula sa Instagram account ni Kim Chiu

Sa latest Instagram post ng aktres, isang proud sister ang bumungad sa kaniyang mga followers kung saan inamin pa niyang umiiyak siya habang nagta-type ng kaniyang post.

“What a way to end this year! Literally with a bang! Woke up with a good news! All in His Name! Salamat, Papa Jesus! After all the hard work and patience this it, John!” pambungad na mensahe ng aktres.

Si John ay kasalukuyang naninirahan sa Canada at naging professional pilot noong Mayo 2018. Ang kaniyang tagumpay ay bunga na rin ng suporta ng kaniyang mga kapamilya. Labis din ang pasasalamat ni Kim dahil sa pagtitiyaga ng kaniyang kapatid at pagtupad sa pangako nito.

“Thank you for not giving up and thank you for fulfilling your promise to me and most especially thank you for not failing my trust in you. [I’m] Literally crying while typing this,” dagdag pa ni Kim.

Sa pagkakasabing ito ni Kim, mahahalata kung gaano niya sinuportahan ang kaniyang kapatid sa mga plano nito sa buhay.

“Congratulations, Captain John! Your greatest dream, has turned into reality now through hard work, proper motivation, and perseverance. Being far is difficult, tears over the phone but you made it!”

Imahe mula sa Instagram account ni John Paul Chiu

“Never been this proud, John! Congrats! I’m sure mama is smiling now in heaven and is super proud of you,” pagwawakas ni Kim.

Noong Setyembre 2019 ay binisita ni Kim ang kapatid sa Canada. Kasama ng pagbabakasyon doon ay ang makilala na rin ang girlfriend nito.

Kahit malayo sa isa’t isa, nananatili ang closeness ni Kim sa kapatid na si John. That’s great!

Loading…