‘Kinamayan ko pa’: Lalaking pinuri noon ni Yorme, tolongges pala

Imahe mula sa video ng ABS-CBN News
  • Muling iniharap kay Yorme Isko Moreno ang isang lalaking itinuring noon na bayani dahil tinulungan niya ang isang babaeng nabastos
  • Pero sa pagkakataong iyon, dinala siya kay Yorme hindi dahil sa pagiging hero kundi dahil nang-snatch daw
  • Ikinagalit ito ni Mayor dahil hindi pa kinuhang pagkakataon ng lalaki ang pagharap niya noon kay Mayor upang magbago na

Uminit ang ulo ni Manila Mayor Isko Moreno matapos matuklasan na ang lalaking pinuri niya noon ay isa palang snatcher.

Imahe mula sa video ng ABS-CBN News

Kamakailan lamang ay pinag-usapan sa social media ang isang lalaki na nakasabit sa jeep sa kahabaan ng Taft Avenue habang tila may sinusunt0k sa loob.

Inakala ng mga netizens na snatcher siya pero ipinaliwanag niyang tinutulungan lamang niya ang kaibigan dahil nabastos ang asawa nito. “Nagbigay tulong lang po. Tinulungan ko lang po,” sabi niya noon sa isang interview.

Pero nitong linggo lamang ay iniharap muli ang lalaking kinilalang si Jomar Alingod dahil isa pala itong snatcher.

“Ito noong isang linggo, bida. Itong hudy0 na ‘to, pumasok pa sa opisina ko. Talipandas din pala. Ang kuwento niya, ‘yang ‘Grand Taft Auto.’ Ang kuwento niya, tinutulungan niya ‘yong kaibigan niya na binastos ‘yong asawa. Naalala n’yo? Gusto kong malaman ninyo, ito pala h0ldaper din. Snatcher din.”

Imahe mula sa video ng ABS-CBN News

Ikinagalit ni Yorme ito dahil hindi pa raw nagbago si Jomar noong nagkaharap sila.

“Hindi pa nagbago. Kinalala na nga ng mayor. Kinamayan ko pa,” sabi ni Mayor Isko. Aminado naman si Jomar sa ginawa at sinabing walo na ang nabibiktima niya. Nakul0ng daw siya noong June 12 at kakalaya lang noong Setyember.

Babala naman ni Yorme sa mga nagbabalak na gumawa ng kal0kohan, nakahanda dapat silang harapin ang consequences nito.

“Ito natolongges tayo. Akala natin hero eh. Diyan ko ipinakikita sa inyo na kaming mga taong pamahalaan, maaaring magkamali rin, maaaring matolongges din. Pero huwag kayong magkamali. Kapag ika’y nagkasala sa Maynila, hero or not, you have to face the consequences of your action.”

Source :

YouTube

Loading…