Kris Aquino, ibinahagi ang pagkikita nila ng impersonator na si Chino Liu

Imahe mula sa video ni Kris Aquino via Facebook
  • Sa unang pagkakataon ay nagkita na si Kris Aquino at ang impersonator niya na si Chino Liu o Krissy Achino
  • Ikinatuwa ni Kris ang ginagawang impersonation ni Liu dahil nakukuha raw nito ang diction niya
  • Samantala, binigyan din niya ng mga tips at pointers si Liu

Nagkita sa unang pagkakataon si Kris Aquino at ang impersonator niyang si Krissy Achino o Chino Liu sa totoong buhay.

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

Sa Facebook post ni Kris, ikinuwento niya ang tagpo kung saan habang in character ay nagbahagi si Liu tungkol sa kaniyang personal na buhay. Sa kanilang pag-uusap, nalaman ni Kris na ka-edad lang ni Liu ang panganay niyang anak na si Josh, 24 anyos.

Ikinuwento rin ni Liu kung paano siya nagsimulang makilala sa social media. Noong 2017, nag-post siya ng video bilang sagot sa CNN Philippines na nagtanong kung sinong local personality ang gusto ng mga Pilipino na marinig bilang navigation voice ng Waze.

Ilan sa mga inimpersonate ni Liu ay sina Kris, Mike Enriquez, Boy Abunda, at Gus Abelgas. “But as time went by, ikaw na lang hinahanap nila. So I decided mag-Krissy na lang ako,” paliwanag niya.

Imahe mula sa Instagram | Chino Liu

Napansin naman ni Kris na maiksi pa ang buhok ni Liu kaya payo niya rito, “Humaba na ‘yong hair ko so kailangan bumili ka na ng bagong wig.” Pabirong sagot naman ng Liu, “Yes, and wala akong earrings, kailangan mo na akong bigyan.” Nangako naman si Kris na padadalhan niya ito

Binigyan din niya ng tip si Liu: “Medyo mali lang ‘yong lipstick kasi I don’t use ganyan ka deep na red. Just a tip for you…if you know you’re going to be eating…go with a more neutral tone of lipsticks.”

Sa pagtatapos ng video, nagpasalamat si Kris kay Liu dahil alam niya raw na inaaral siya nito. “It was really good meeting you. Thanks for doing a good job kasi alam ko inaaral mo talaga ako. I like you because you have the correct diction. It annoys me pag mali ang diction,” sabi ni Kris.

I-click ang imahe para sa video via Facebook

Naaliw ka rin ba sa pagkikita nila?

Loading…