Kulang ng suplay: Presyo ng siling labuyo sa Albay, umabot na sa ?800 kada kilo

  • Triple ang itinaas ng presyo ng isa sa pinakamahalagang sangkap sa mga lutuin ng mga Bikolano–ang siling labuyo 
  • Umabot na kasi sa ?800 presyo ang kada kilo ng siling labuyo sa Albay
  • Pinakaapektado nito ang mga may-ari ng mga restaurant o karinderya na naghahain ng mga lutuing gumagamit ng siling labuyo upang lalong pasarapin ang kanilang mga paninda

Kilala ang Albay at ang buong Bicol Region sa mga maaanghang na lutuin tulad ng Bicol express at pinangat. Ang nagpapaanghang sa mga lutuing ito ay ang siling labuyo.

Ngunit paano kung ang siling labuyo ay naging triple ang presyo sa merkado? Sa Albay, umabot na sa ?800 kada kilo ang presyo ng pangunahing sangkap na nagpapasarap at nagpapaanghang sa kanilang mga lutuin.

Imahe mula sa Pixabay

Ayon sa report ng ABS-CBN, ramdam na ng mga taga-Albay, lalo na ng mga may-ari ng mga restaurant o karinderya, ang biglaang pagtaas ng presyo ng siling labuyo.

Ang kakulangan ng suplay ang pangunahing sanhi ng pagtaas ng presyo. Walang suplay dahil na rin sa naging epekto ng mga nakaraang pagbagyo sa bansa.

Dahil sa kakulangan ng suplay, ang mga mamimili ay kalimitang nakikipagbalyahan na upang makabili lamang ng 1/4 na kilo ng siling labuyo.

Ayon din sa report, ang siling labuyo na ikinakalakal ngayon sa Albay ay mula pa sa Metro Manila. Sa mga ganitong panahon kasi, wala umanong magsasakang nagtatangka na magtanim ng siling labuyo sa Albay. Bukod din umano sa ulan, nasisira din ang kanilang mga pananim dahil sa mga peste.

Sa paliwanag naman ng isang agriculturist ay “sun loving” ang mga pananim na sili kaya hindi ito mamumunga o mabubuhay sa panahon ng tag-ulan.

Imahe mula sa WIkipedia/Obsidian Soul

Samantala, noong nakaraang linggo ay naiulat naman sa GMA na umabot na sa ?600 hanggang ?700 ang presyo ng siling labuyo sa Metro Manila. Sa kabila nito, ipinaliwanag pa rin ng Department of Agriculture na may mga lugar pa rin na nagbebenta nito sa halagang ?350 hanggang ?500 kada kilo.

Source :

ABS-CBN, GMA News

Loading…