Kyle Jennermann, itinampok ang lokal na fruit wines ng Zamboanga Del Sur

  • Tinikman nang libre ni Canadian vlogger Kyle “Kulas” Jennermann ang mga ipinagmamalaking lokal na fruit wines ng Zamboanga Del Sur
  • Ilan sa mga ito ay gawa sa luya, pinya, santol, dragon fruit, mangosteen, atbp.
  • Hinikayat ni Jennermann ang iba pa na subuking tangkilikin ito

Ipinagmalaki at itinampok ng Canadian vlogger at kilalang may pusong Pinoy na si Kyle “Kulas” Jennermann ang mga lokal na fruit wines na espesyal na produktong matatagpuan sa bayan ng Dumingag, Zamboanga Del Sur.

Batay sa kaniyang Facebook post sa kaniyang page na “BecomingFilipino” kasama ang isang kaibigan, isa–isa nilang tinikman ang mga lokal na fruit wines.

Napapanahon ito bilang pagdiriwang sa Bagong Taon. Ayon sa caption, “Probably the best place to be on the morning of New Years Eve… FREE WINE TASTING!”

Imahe mula sa Facebook page na BecomingFilipino

Salaysay ni Jennermann, “We just rolled into Dumingag, Zamboanga Del Sur. Why? Because this agricultural municipality is known for its local fruit wines. Originally we planned to stock up for tonight… But then JunJun started sampling… at 8 am in the morning!! Mao na Diha!! Roselle Wine, Ginger Wine, Pineapple Wine, Dragonfruit Wine… MANY MANY WINES!” Ang binili ni Jennermann ay isang ginger wine.

Dahil sa pagtatampok na ito ni Jennermann, marami tuloy sa kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay ang nagnanais na makabili at matikman din ang mga lokal na fruit wines na ito. Komento ng isa, I like ginger Kulas, but love to taste all that fruit wine. What a new years mission Kulas! Power on! Amping diha!”

Sabi naman ng isa, “Since I don’t drink, I just want to say thank you for supporting our local products. Happy new year, too, Kulas and JunJun!”

“Wow free wine tasting and it’s purely local made. Always support local products. Been there last vacation. Tried their organic dragon fruit and mangosteen wine. Its fantastic,” pagbabahagi ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na BecomingFilipino

May paalala naman ang isang netizen, “Be careful with Lambanog though… drink responsibly. Happy New Year!”

Ang paggawa ng wine ay sumasailalim sa proseso ng fermentation. Ilan sa mga kilalang lokal na wine sa Pilipinas ang lambanog, tuba, at basi.

Source :

Facebook

Loading…