Kyle Jennermann, naki-Noche Buena sa isang pamilya sa Maragondon, Cavite

  • Naki–Noche Buena si Canadian vlogger Kyle Jennerman sa isang pamilya sa Maragondon, Cavite
  • Natuwa siya sa mga pagkaing Pinoy at kung paano isinasagawa ang Noche Buena sa Pilipinas
  • Marami sa mga tagasubaybay ng vlogger ang natuwa sa pagiging maka–Pilipino ni Kyle

Hindi maitatangging iba talaga ang pagdiriwang ng Pasko ng mga Pilipino. Pinatutunayan iyan ng pagtuntong pa lamang ng “Ber month”, kung saan nagsisimula nang maglabasan ang iba’t ibang mga palamuting nagpapahiwatig nito gaya ng parol, Christmas tree, Christmas lights, belen, at marami pang iba.

At isa sa mga kinapananabikan ng bawat pamilyang Pilipino ang pagdating ng bisperas ng Pasko, dahil lahat ay uuwi sa kanilang mga pamilya, magsasalusalo, para sa Noce Buena. Iyan ang napatunayan ng “BecomingFilipino” Canadian vlogger na si Kyle “Kulas” Jennermann na matagal nang naninirahan sa Pilipinas, at aminadong may pusong Pinoy.

Imahe mula sa Facebook page ni Kyle Jennermann na BecomingFilipino

Ayon sa kaniyang Facebook post, nakisalo siya ng Noche Buena sa isang pamilya sa Maragondon, Cavite.

“Oh wait… this post is already 9 hours late! Because truth is, I was awake at twelve midnight here in Maragondon Cavite. In the Philippines, many families will celebrate hat is known as “Noche Buena” or “Good Night”. It is a Christmas Eve feast that happens at midnight… a Catholic tradition that dates back centuries,” saad ni Kyle sa kaniyang post.

Dagdag pa niya: “I am sure there were millions of Filipino families or friends around the world taking part in this tradition last night. And, as one of my friends told me a long time ago… Brace yourself… the Noche Buena family pictures are coming!!

Nakisalo si Jennermann sa mga karaniwang pagkaing Pinoy na inihahanda tuwing Noche Buena tulad ng puto at dinuguan, kakanin, tiyan ng lechon, pancit laksa, at barbecue. Makikita rin sa mga larawang ibinahagi ni Kyle na may bigayan din sila ng regalo. Tunay na masayang–masaya ang dayuhan sa kaniyang naranasan at nasaksihan.

Nagkomento naman ang mga tagasubaybay ng Canadian vlogger. Sabi ng isang OFW, “Merry Christmas Kulas, from your Motherland Canada. Thank you for your extensive down to earth posting of my Motherland, I learn about the Philippines thru you…”

Imahe mula sa Facebook page ni Kyle Jennermann na BecomingFilipino

“Wow! Impressive spread. I bet getting together to prepare this feast was just as exciting and memorable as when it was time to eat,” komento naman ng isang dayuhang netizen.

Hindi ang magarbong handa ang mahalaga sa Noche Buena kundi ang pagsasalusalo ng bawat nagmamahalang pamilya, bilang pagdiriwang at paggunita sa pagsilang ng Panginoong Hesukristo sa sanlibutan.

Source :

Facebook

Loading…