Kyle Jennermann, nalugod sa isang pamilya na nagbigay ng pomelo kahit nasalanta ng bagyo

  • Itinampok ni Kyle Jennerman ang kagandahang–loob ng isang pamilyang Pilipino na nasalanta ng bagyong Tisoy
  • Itinuro kasi nila sa kaniya ang mainam na ruta patungo sa kaniyang patutunguhan at binigyan pa siya ng matamis na pomelo
  • Namangha ang dayuhan dahil sadyang hospitable daw ang mga Pilipino anuman ang kanilang kalagayan

Ibinahagi ng sikat na dayuhang vlogger at may “pusong Pinoy” na si Kyle “Kulas” Jennermann ang kaniyang karanasan sa ilang mga residente na nasalanta ng bagyong Tisoy sa Marinduque, na sa kabila ng mga nangyari ay nagawa pang magbigay sa kaniya ng pomelo, isang uri ng citrus fruit.

Sa kaniyang Facebook page na “BecomingFilipino”, isinalaysay ni Jennermann sa kaniyang Facebook post na napakalakas ng bagyong Tisoy at labis na naapektuhan nito ang bayan ng Boac sa Marinduque. Maraming puno ang natumba at maraming mga pananim ang nawasak.

Imahe mula sa Facebook page na BecomingFilipino

Sa paglalakad–lakad daw niya sa tabing–ilog, napansin niya ang ilang mga pamilyang naglilinis ng kanilang mga tahanan, kabilang ang pamilya ng isang nagngangalang Kuya Jason. Itinuro pa sa kaniya ang mas mainam na ruta patungo sa kaniyang pupuntahan. Subalit bago siya tuluyang lumisan, tinawag siya ni Kuya Jason. Inalok siya nito kung gusto ba niya ng pomelo.

“Kuya Jason and his family literally started looking through all the pomelos that had fallen due to the storm. They found the best one, took it inside to wash it (I was trying to stop them but they insisted) and then handed it to me. To top it all off… Nanay then came out and said: Here. A bag to carry it.”

Labis na humanga si Jennermann sa ipinakitang kabutihan ng naturang pamilya. Sa halip daw na magpakita ng kalungkutan, heto’t ginabayan pa siya sa pagtungo sa kaniyang pupuntahan, at nagbigay pa ng pasalubong.

“This is literally beyond words. This family just hid through an intense typhoon. Had their house a little flooded, the trees and vegetation around them all destroyed… It was scary, and could be very traumatizing!”

Imahe mula sa Facebook page na BecomingFilipino

Nakapagdulot ito ng inspirasyon sa dayuhan. Makikita sa kaniyang mga ibinahaging larawan na nakangiti pa rin si Kuya Jason at ang kaniyang pamilya sa kabila ng mga nangyaring dulot ng bagyo.

“Filipinos… Not even typhoons can stop them from being hospitable. Inspired.”

Sa comment section ay nagbigay naman ng update si Jennermann hinggil sa lasa ng pomelong ibinigay sa kaniya ng pamilya ni Kuya Jason.

“Update… The pomelo is tamis!! Unreal! They really did pick the best one for me! Words can’t describe these moments. So powerful. So inspiring.”

Kahanga–hanga talaga ang mga Pilipino, hindi ba? Sintamis ng pomelo ang ating likas na kagandahang–loob!

Source :

Facebook

Loading…