‘Laban lang ‘di ba?:’ Fumiya ng PBB Otso nasa Japan dahil sa karamdaman

Imahe mula sa video ni Fumiya via YouTube
  • Nasa 0spital ngayon sa Japan ang former PBB Otso housemate na si Fumiya Sankai
  • Kuwento niya sa kaniyang YouTube channel, nakakita ang doktor ng butas sa kanan niyang lung kaya kinakailangan niyang sumailalim sa operasy0n
  • Nagpasalamat siya sa lahat ng mga sumusuporta sa kaniya dahil sila raw ang nagbibigay sa kaniya ng lakas ngayon

Nakilala si Fumiya Sankai sa Pinoy Big Brother Otso dahil sa natural nitong pagkakomedyante pero kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa kaniyang YouTube channel ang seryosong pinagdadananan sa kaniyang kalusugan.

Imahe mula sa Instagram | Fumiya

Sabi ni Fumiya na ngayon ay nasa isang 0spital sa Japan, nakakita ang doctor ng butas sa kanan niyang baga kaya kinakailangan niyang sumailalim sa isang operasy0n. “Kanina I was talking with doctor sabi niya I have h0le that’s why they will cut my lungs and then they will remove the butas,” kuwento ni Fumiya sa kaniyang channel.

Maging ang kaliwang baga raw niya ay posibleng may problema. “Actually, one sad thing kasi left side also merong something. Merong possibility na may butas in my left lung again,” pagbabahagi niya.

Pero sa ngayon daw, gusto muna niyang mag-focus sa operasy0n. Makailang ulit din siyang nagpasalamat sa mga fans na patuloy na nagpapahatid sa kaniya ng mga mensahe na siyang nagbibigay raw sa kaniya ng lakas. “Thank you so much for commenting. I saw your comments and then I got energy from you, guys,” sabi niya.

Marami naman ang nananalangin para kay Fumiya. Sabi ni Red Ashcorft, “It’s hard to see this kind of pain. He is such a vibrant, kind, and jolly person. Praying you’d get well soon.”

Sabi naman ni Sapphire, “There’s a rainbow always after the rain so everything will be fine, Fumi. You will be okay. We are all praying for you.”

Imahe mula sa video ni Fumiya via YouTube

Pangako ni Fumiya, gagawin niya ang lahat upang mapabuti ang kanyang kalagayan. “I will do my best. Laban lang, ‘di ba?” sabi niya.

Laban, Fumiya!

Source :

YouTube, YouTube

Loading…