Lalaki kinaaliwan ang natanggap na regalong damit panloob mula sa nobya na may kasamang larawan nito

  • Natural na sa sinumang magkarelasyon na regaluhan ang isa’t isa ng mga damit
  • Kaugnay rito ang isang viral post ng lalaking netizen na nakatanggap ng “brief with a twist” mula sa nobya
  • Kinaaliwan naman ito ng mga netizens at nakakuha pa ng ideya sa magkasintahan

Para sa mga kababaihan na nag-iisip pa lang ng Christmas gift para sa kani-kanilang nobyo, maaaring makapulot ng ideya sa isang babae na niregaluhan ng “brief with a twist” ang kaniyang kasintahan.

Imahe mula sa Pixabay

Sa isang Facebook post ng netizen na si Jhamn Kathe Ruflo Lagmay, ibinahagi nito ang mga larawan ng “witty gift” ng binansagan niyang ‘best girlfriend ever’ na si Hannah Faith Encabo.

Kahit natural na sa sinumang magkasintahan ang magregalo sa isa’t isa ng underwear ay kakaiba ang panloob na natanggap ni Lagmay. Mayroon pa kasing naka-print na larawan ng nobya na nasa mismong gitnang bahagi ng panloob.

“Hi, Love. Thank you sa gift mo. Lupit mo talaga mag-isip, Love. Wala akong masabi. Epekto ‘yan ng kakanood mo ng KMJS eh,” sabi ni Lagmay sa post nito.

May nakaaaliw na dahilan naman daw kung bakit iyon ang naisipan ng nobya.

“Kaya daw niya pinaprint ‘yung mukha niya, para daw kung sakaling magloko ako ay mahihiya daw ‘yung babae kasi makikita daw ‘yung brief ko na may mukha niya,” paliwanag nito.

Imahe mula sa Pixabay

Nagulat man sa natanggap na regalo, nanatiling sports ang lalaki sa idinahilan ng kaniyang nobya. Kinaaliwan din ng iba pang netizen ang post na iyon ni Lagmay kung saan marami ang nagkaroon ng ideya kung ano ang magandang ipanregalo sa kanilang mga karelasyon.

Samantala, batay rin sa Facebook account ni Lagmay, katatapos lamang nilang magdiwang ng anniversary ng kaniyang nobya, na nagdiwang din ng kaarawan nito.

Iclick ang imahe para makita ang buong post via Facebook
Source :

Facebook

Loading…