Lalaki nagdiwang ng kaarawan sa evacuation center sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Tisoy

  • Ibinahagi ng isang lalaki ang kaniyang mga handa para sa kaniyang kaarawan sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Tisoy sa Paracale, Camarines Norte
  • Tiniyak niyang lahat ay nakakain sa mga evacuation centers sa kanilang lugar
  • Umani naman ito ng papuri mula sa netizens

Anong gagawin mo kung sa kalagitnaan ng pagdiriwang mo ng iyong kaarawan, sumabay pa rito ang isang malakas na bagyo na hindi mo naman inimbitahan?

Para sa isang netizen na si Rio Paliza, hindi hadlang ang tapang at bangis ni “Tisoy” upang ipagdiwang ang mahalagang araw ng kaniyang kapanganakan. Imbes na manatili lamang sa bahay at solohin ang mga pagkain, ipinamahagi pa niya ang kaniyang mga handa sa mga naapektuhang kababayan na nasa evacuation centers sa Paracale, Camarines Norte, noong Disyembre 2, 2019.

Imahe mula sa Facebook account ni Rio Paliza

Hindi lamang literal na paghahanda para sa pananalasa ng bagyo ang ginawa ni Rio kundi handaan para sa mga naapektuhang pamilya ng hambalos ni Tisoy. Napag–alaman na dati palang kapitan ng barangay si Paliza.

“Me: Ron me parating na bagyo, MAGHANDA KAYO! Ron: (Naghanda nga!) Heto Kuya may pa–cake pa!”

Makikita sa mga naka–upload na larawan ni Paliza sa kaniyang Facebook post na ipinamahagi niya ang kaniyang mga handang pansit na nakasilid sa styrofoam sa mga pamilyang nasa evacuation centers. Kahon–kahon ang kaniyang ipinamahagi bagay na nakatulong nang malaki sa mga tao.

Bumuhos naman ang mga papuri para sa mabuting birthday celebrator na si Rio Paliza.

“At least those poor evacuees can sleep very soundly and peacefully tonight with their tummy full! Thanks to the birthday celebrator! You have a very good heart. May God bless you always!”

Imahe mula sa Facebook account ni Rio Paliza

“Sa halip na siya ang regaluhan dahil birthday niya, siya pa ang namigay nang maagang pamasko para sa mga nasalanta ng bagyo. Nakatataba ng puso na may mga tao pa ring may ginintuang pus0 lalo na sa panahon ngayon. Kaya, never lose hope sa bayang ito! Thank you Sir Rio Paliza and happy birthday to you!”

“You have a good heart and soul. Happy birthday and more blessings to you!”

Maligayang kaarawan, Rio Paliza! Nawa ay dumami pa ang mga katulad mong may mabuti at mapagkawanggawang pus0 para sa ating mga Pilipino!

Loading…