Lalaking ayaw lumabas ng bahay, nagpa-deliver ng chichirya

Imahe mula sa Facebook | Datu Jhoar Mocsin
  • Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang isang lalaking nagpa-deliver ng chichiryang Piattos dahil daw tinatamad siyang lumabas
  • Ang presyo ng Piattos na binili ay P17 lang sana pero may kasama itong shipping fee na P100 kaya umabot ang binayaran niya sa P117
  • Samu’t sari naman ang reaksyon ng netizens sa post na ngayon ay may mahigit 44k reactions at 76k shares na

Sikat na sikat na ngayon ang mga online shops sa Pilipinas. Karamihan kasi ng mga Pinoy ay abala sa kanilang mga trabaho at wala nang oras upang pumunta sa mga shop. Maaari ring tinatangkilik nila ang mga ito dahil ayaw nilang suungin ang matinding traffic na sasalubong sa kanila kapag pumunta pa sila sa mga mall.

Imahe mula sa Facebook | Datu Jhoar Mocsin

Pero iba ang kuwento ng isang Facebook user na si Datu Jhoar Mocsin na nagbahagi ng kaniyang karanasan. Nag-order siya ng chichiryang Piattos dahil ayon sa kaniya ay tinatamad siyang lumabas ng kaniyang bahay. Hindi na niya pinanghinayangan ang P100 na delivery charge kahit ang presyo lamang sana ng binili niya ay P17.

Hindi rin niya nakalimutang idokumento ang kakaibang experience na ito. May ibinahagi siyang mga larawan mula sa pag-order, pagdeliver sa kaniya ng chichirya, pag-abot niya ng bayad sa rider, hanggang pagkain ng chichirya. Ikinatuwa rin niya na ingat na ingat ang Ninja Van sa pagdedeliver ng inaasam na pagkain dahil nakabalot pa sa bubble wrap ang isang pirasong Piattos.

Imahe mula sa Facebook | Datu Jhoar Mocsin

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang post na ngayon ay may 44k reactions at 76k shares na. Tinawag ni N. Agbunag na “whole new level of Add to Cart” ang ginawa ni Mocsin.

Samantala, may ilan din na nanghinayang sa ginastos ng binata. Sabi ni B. Guiarodin, “Kung lumabas ka lang e di meron ka nang limang Piattos.”

Sabi naman ni J. Asplico, “Sayang lang P100. Mas mahal pa ‘yong shipping fee. Madami na sanang mabibili na Piattos.” Pero sabi ni C. Gumbason, tulong na lang din sa driver ang ginawa ni Mocsin.

May isang Facebook user naman na tila gustong gayahin ang ginawa ng nag-post. “Tinatamad din ako, parang gusto ko ng Hany,” sabi ni H. Factor.

Tila wala na ngang imposible sa panahon ngayon. Anuman ang gusto mong bilhin, mahirap man hanapin o makikita lang sa kalapit na mga tindahan ay puwede nang makuha sa isang pindot lamang.

Source :

Facebook

Loading…