Lalaking patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng karamdaman, pinag-uusapan sa Twitter

Imahe mula kay Eliejah Mernilo
  • Isang lalaki sa Butuan City ang pinag-uusapan ngayon sa Twitter dahil sa patuloy na pagtatrabaho nito sa kabila ng karamdaman
  • Ipinost ng Twitter user na si Eliejah Mernilo ang larawan ni Antonio Riveral na may filariasis daw
  • Humingi ng tulong si Mernillo sa netizens upang maabutan ng tulong ang lalaki

Pinukaw ng isang matandang lalaki mula sa Butuan City na nangangailangan ng tulong sa pagpapagam0t ang pumukaw ng damdamin ng netizens sa Twitter.

Imahe mula kay Eliejah Mernilo

Ipinost ni Eliejah Mernilo sa Twitter ang mga larawan ng tricycle driver na si Antonio Riveral na sa kabila ng karamdaman ay patuloy na namamasada para sa kaniyang pamilya. Taga P-16 Sampaloc Brgy. San Vicente, Butuan City raw si Riveral at humihingi siya ng tulong upang makapagpagamot dahil may filariasis siya.

“Humingi po siya ng tulong. May filariasis po siya at kailangan nang ma0perahan kaso wala raw silang pera kaya nagsisikap pa rin siyang mamasada kahit masakit na ang paa niya,” sabi sa post. “Please po tulungan natin siya.”

Ayon sa Department of Health (DOH), ang filariasis ay kilala rin sa tawag na “elephantiasis.” “Ito ay dala ng isang uri ng roundw0rm at naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng lam0k,” ayon sa DOH.

Samantala, agad na nagkomento ang netizens na nais magpahatid ng tulong kay Lolo Antonio. Ang ilan sa kanila, personal daw na nakikitang namamasada ang lalaki. Sabi ni Sia Valor, “You should rest, Tatay. Nasaan po ba ang mga anak mo?”

Sumagot naman dito ang uploader at sinabing may dalawa itong anak pero may mga pamilya na.

Imahe mula kay Eliejah Mernilo

Si Sovetskilol naman, gustuhin mang tumulong ay wala raw kakayanan dahil nag-aaral pa lamang siya. “Omg, he is from my place. I do not have money to give since I am a struggling uni student but I will give help by spreading,” sabi niya.

Nawa’y makarating sa mga kinauukulang ang kuwento ni Lolo Antonio para maabutan siya ng tulong, lalo na ng lokal na pamahalaan ng Butuan City.

Source :

Twitter

Loading…