Larawan ng batang babaeng naging emosyonal sa simpleng handa sa kanyang kaarawan, umantig sa netizens

  • Viral sa social media ang larawan ng isang batang babaeng naging emosyonal sa kanyang kaarawan
  • Naging masaya ito nang surpresahin ng pamilya at kaibigan sa kanyang simpleng handa
  • Hiling naman ng netizens na sana sa susunod ay mas maging magarbo na ang handa ng bata

Karaniwan na siguro para sa mga bata ang humiling ng party para sa kanyang kaarawan. Isang katuparan para sa bawat musmos ang magkaroon ng maraming handa at maimbita ang mga pinakamamahal na kaibigan sa kanyang espesyal na araw. Ngunit dahil sa kalagayang pinansiyal ng iba, ang magarbong birthday party ay isa na lamang pangarap.

Kaya naman viral sa Facebook ang isang larawan kung saan makikita ang isang batang babae na emosyonal nang isurpresa ng kanyang pamilya at kaibigan. Sa kabila ng kanyang sobrang simpleng handa ay hindi niya napigilan ang kanyang mga luha dahil sa kagalakan.

Larawan mula sa Facebook page na Positive Mind

Sa post ng page na Positive Mind, isang batang babae ang emosyonal nang makita niya ang kanyang handang mga tinapay at dalawang bote ng softdrinks sa lamesa. Naroon sa kanilang bahay ang kanyang mga kaibigan na masaya para sa kaibigan dahil sa napasaya nila ito sa kanyang kaarawan.

“Sometimes, what you have is a dream for others,” caption ng post na sinasabing ang mga simpleng pagkain tulad ng tinapay at softdrinks na karaniwan na nating iniinom at kinakain ay mga importanteng bagay na para sa iba kung makikita nila sa kanilang hapag.

Hindi malinaw kung saang bansa nanggaling ang larawan ngunit hindi ito kuha sa Pilipinas. Gayunman, maraming Pilipino pa rin ang naantig sa retratong umabot na san higit 25,000 reactions, 1,000 comments, at 80,000 shares pagkat sumasalamin rin ito sa maraming kabataang Pinoy.

Ayon sa mga netizens, marami silang napagtanto nang makita ang larawan. Patunay daw ito na kailangan ng bawat isang magpasalamat sa mga biyaya, malaki man o maliit, dahil maraming tao ang nakukuhang maging masaya sa kung anuman ang dumarating sa kanilang buhay.

Larawan mula sa Pexels

“This photo tells so much. We all should be grateful for the little blessings that may come our way… Wish I was there to celebrate with her. Lord, continue to bless her and give her all she needs,” sabi ng isang netizen.

Hiling naman ng ibang netizens na sana ay magtagumpay balang araw ang bata sa larawan at magkaroon ng sarili niyang magarbong birthday balang araw.

Loading…