Larawan ng delivery man na inabot ng gabi sa daan, hinangaan

  • Nakuhanan ng larawan ang isang delivery man na inabot na ng gabi sa pagtatrabaho
  • Pagod na pagod ang delivery man sa buong araw na pagbabanat ng but0
  • Hinangaan siya ng mga netizen lalo pa nang kanilang malaman ang dahilan sa kanyang pagtitiyagang magtrabaho hanggang gabi

Dahil sa teknolohiya, mas napapabilis na ang pamimili ng mga tao lalo na sa mga online shop na gaya ng Lazada at Shopee.

Imahe mula sa Facebook account ni John Merlin

Malaki man ang naitutulong ng makabagong sistema, ni minsan, naisip ba natin ang mga taong nagtatrabaho sa likod ng mga ito upang mas maging madali sa atin ang mga bagay-bagay?

Isa na rito ang mga delivery man na araw-araw iniinda ang pagod sa daan, umaraw man o umulan.

Subalit kapansin-pansin ang isang delivery man na inabot na ng gabi sa daan upang mai-deliver ang lahat ng order na naka-assign sa kanya at makauwi sa kanyang mga anak na bitbit ang kanyang pangako para sa araw ng Pasko.

Sa post ng Facebook user na si John Merlin, ibinahagi niya ang larawan ng naturang delivery man na halatang pagod na pagod na sa kanyang buong araw na pagtatrabaho.

Ayon sa kanyang caption: Lazada (at) shoppe delivery. Kung sino ka man, kuya, saludo ako sa’yo. Gingawa mo ‘yan para sa mga anak mo. Nakwento mo sa ‘min, 6am nag-deliver ka na kasi sabi mo magpapasko, para sa mga anak mo. Time check 9:23 pm, nagde-deliver ka pa. Hanga ako sa mga katulad mo, kuya. Ingat palagi sa pag-drive. God bless.

Comment naman ng netizen na si Evelyn Angel Lee sa parehong post, “Oo, mga kapitbahay namin taga-Lazada. Halos 2 hours lang tulog nila simula ng 12.12 sale. 1am pa lang, nagsosort na (sila) ng mga items… para sa pamilya nila.”

Imahe mula sa Facebook account ni John Merlin

Gaano man kabilis ang iyong pagpindot sa cellphone o ang pag-click sa computer upang makapag-online shopping, hindi makararating sa iyong tahanan ang anumang i-check out mo kung hindi dahil sa mga masisipag na taga-deliver.

Trabaho man nila ang kanilang ginagawa, hindi ito dahilan upang sila ay hindi pasalamatan o hindi bigyan ng pansin.

Mabuhay ang mga manggagawang Pilipino gaya ng mga masisipag nating delivery man na sinasalubong ang bawat araw na may lakas upang maihatid ang bawat order sa mga naghihintay na tahanan at hindi iniinda ang kanilang pagod matapos lamang nila ang kanilang mga dapat gawin hanggang sila ay makauwi sa kanilang mga pamilya.

Source :

Facebook

Loading…