Leila Alcasid, ibinahagi ang ‘turning point’ sa relasyon nila ng stepmom na si Regine Velasquez

Imahe mula sa video ni Regine Velasquez via YouTube
  • Ikinuwento ni Regine Velasquez at ng stepdaughter niyang si Leila Alcasid kung ano ang naging turning point ng relasyon nila
  • Anak ng asawa ni Regine na si Ogie Alcasid si Leila sa dating asawa nitong si Michelle van Eimeren
  • Hindi raw sinubukang maging ina ni Regine kay Leila at nakipagkaibigan lamang dito

Ibinahagi ni Asia’s Songbird Regine Velasquez at ng stepdaughter nitong si Leila Alcasid kung ano ang naging turning point ng relasyon nila.

Imahe mula sa Instagram | Ogie Alcasid

Sa vlog ni Regine na tinawag niyang Real Talk with Regine & Leila Alcasid on Step-Parenting, inilahad ng dalawa kung paano sila unti-unting nagkaroon ng koneksyon sa isa’t-isa. Si Leila ay ang isa sa dalawang anak ni Ogie Alcasid sa dating asawang si Michelle van Eimeren.

Taong 2017 nang iwan ni Leila ang buhay sa Australia upang tumira sa Pilipinas kasama ang ama, si Regine, at ang stepbrother na si Nate.  Kuwento ni Regine, nang magdesisyon daw si Leila na tumira sa Pilipinas ay tinawagan siya ni Michelle at sinabing bagama’t teenager na ay kailangan pa rin nito ng gabay.

Sinimulan niya raw ang relasyon kay Leila sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan dito.

“What I did was I didn’t try and be a mom. Ayokong maging nanay niya kasi mayroon na siyang nanay, e,” kuwento niya.

Pero dumating din daw sa punto na kinailangan ni Regine na maging isang ina para kay Leila lalo na nang dumalas ang paglabas nito upang mag-party. Naging strikto rin daw siya sa pagpapasunod kay Leila sa curfew niya dahil madalas na siya ang naghihintay hanggang makauwi ito.

I-click ang imahe para mapanood ang video via YouTube

“She would stay up and I remember there was this one time I came home…it was morning already. Got home and then I realized what time it was and I felt so bad because she was waiting up for me,” saad ni Leila.

Naging turning point daw para kay Leila nang minsang kausapin siya ng emosyonal na si Regine at ipaalala sa kaniya ang halaga niya bilang babae. “I don’t know if I’m crossing a line by saying this but I’m going to say it because I care,” sabi raw ni Regine sa kaniya.

“She’s tearing up ‘cause she was saying…something like along the lines of I wasn’t really loving myself enough. I was going through a phase where I just didn’t appreciate myself and so I would put myself in these situations where I was looking for validation for other people,” dagdag niya.

Si Regine daw ang unang taong kumausap sa kaniya tungkol dito. “Because she was also crying, I was like ‘Oh my gosh she really cares about me.’  And it was like a defining moment for me because I’ve never gotten that. It was one of the times when you really felt like a mom and I realized that we had built a very special relationship,” sabi niya sa naluluhang si Regine.

Panoorin:

Source :

YouTube

Loading…