Liza Soberano lookalike sa Miss U 2019, pinag-usapan sa Twitter

Imahe mula sa Twitter
  • Habang ginaganap ang Miss Universe coronation ay usap-usapan din sa Twitter si Liza Soberano
  •  Marami ang nakapansin sa pagkakahawig ng aktres kay Miss Iceland Birta Abiba Þórhallsdóttir
  •  Kahit baguhan sa pageant ay napabilang si Birta sa Top 10 

Noon pa man ay marami nang nakapapansin sa pang-Miss Universe na ganda ng Kapamilya actress na si Liza Soberano. Muli itong napag-usapan dahil may mga netizens na nagsabing kahawig niya si Miss Iceland Birta Abiba Þórhallsdóttir.

Imahe mula sa Twitter

Hindi na napabilang pa sa Top 10 si Miss Philippines Gazini Ganados kaya si Miss Iceland ang naging crowd favorite ng mga netizens. Maging sina Anne Curtis at Vice Ganda ay naibigan ang charm ng kandidata. “Gusto ko si Iceland! Sweet prom queen ang awra,” sabi ni Vice Ganda. Sabi naman ni Anne, “I really liked Miss Iceland too.”

Bukod dito, bumuhos din ang tweets na naglalaman ng larawan nina Miss Iceland at Liza.  Sabi ni Mae, “Walang Philippines. Rooting for Miss Iceland. She looks like Liza Soberano.” Ayon naman kay Ella, si Birta ay parang si Liza “with curly hair.”

May nagpost din ng side by side photo ni Liza at sinabing “Liza Soberano before and during Miss Universe.” “Nagtrend nang wala sa oras si Liza Soberano dahil kay Miss Iceland pero pwede,” sabi naman ni Engr. Miguel.

Unang beses sumabak sa pageant ni Brita kaya raw naka-focus ang preparations niya sa training kung paano lumakad at gawin ang sariling makeup.

“When I competed in my pageant, it was my first ever pageant. I have never worn heels before. I didn’t own a makeup brush,” sabi niya sa isang interview. Noon daw ay ginagamit niya ang makeup ng kaniyang ina.

Sa Instagram, ibinahagi ni Brita ang kaligayahan matapos ang preliminary competition ng Miss Universe.

“In the beginning of the year, I didn’t even own a pair of heels and yesterday I walked in the Miss Universe preliminary alongside my amazing sisters. I think that proves that honestly anything is possible,” sabi niya.

Loading…