Lucky day! Estudyanteng mahuhuli na sana sa klase, nakasakay ang teacher niya sa bus

  • Patok ngayon sa mga netizens ang My Day ng isang Facebook user tungkol sa kanyang karanasan noong siya ay male-late na sana sa klase
  • Masuwerte kasi niyang nakasabay ang guro sa sinakyang bus na late din noong araw na iyon
  • Marami namang netizens ang nais suwertihin din tulad ng lalaki na late na sana ay nailigtas pa dahil late din si ma’am

Kinatatakutan ng mga estudyante ang mahuli sa klase. Maliban kasi sa marami kang araling maaaring malagpasan kapag hindi ka dumating sa oras, maaari ding mabawasan ang iyong marka at makagalitan pa ng iyong guro.

Pero ang isang mag-aaral na mahuhuli na sana sa klase ay tila masuwerte pa rin noong araw na iyon. Dahil sa pagmamadali niya sa pagpasok pagkat late na siya, nagulat at natuwa siya nang makasakay ang kanyang guro sa bus.

Larawan mula sa Facebook account ni Bryan Allen Francisco Prado

Ibinahagi ng netizen na si John Jerick Flores Lumage ang isang larawang inupload ng kanyang kaibigan na si Bryan Allen Francisco Prado. Nasa Facebook My Day lang ni Bryan ang kuwento niya tungkol sa ‘di inaasahang pagkakasabay nila ng kanyang guro nang minsang mahuhuli na siya sa klase. Akala raw niya ay absent na siya dahil late nang darating sa klase ni ma’am.

“Akala absent na naman ako kasi late, buti na lang late din si ma’am,” sabi ni Bryan sa kanyang My Day kalakip ang selfie nila ng kanyang guro sa loob ng bus.

Dahil natuwa si John Erick, nag-screenshot siya ng My Day ni Bryan at siya ang nag-upload nito sa kanyang account na agad ay naging viral. Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 27,000 reactions at 30,000 comments.

Imahe mula sa Great Filipino

Patok naman sa mga netizens ang post na ito ni John Jerick lalo na ang mga estudyanteng madalas ding ma-late sa kanilang klase. Relate na relate daw sila sa nararamdaman ni Bryan na muntik nang ma-late. Pero ang nais nilang maranasan ay ang suwerteng mayroon siya na makasakay ang kanilang guro.

Safe nga naman sila kapag ganito dahil kasabay lang nilang darating ang guro sa klase. Wala nga naman itong bawas sa grade at walang mami-miss na aralin.

“Ikaw na talaga kuya. Ang swerte mo. Hahaha. Sana minsan ma-late din yung prof ko sa first subject at makasabay ko pa sa bus. Isang late na lang kasi dropped na ako,” hiling ng isang netizen na nag-share ng post ni  John Jerick.

Loading…