Luneta Daze: Drone shot ng isang photographer na nagpapakita ng top view ng Rizal Park, nagpabilib

  • Kinabiliban ng mga netizens ang larawan ng top view ng Luneta o Rizal Park
  • Kuha ito ng isang photographer sa pamamagitan ng “drone shot”
  • Nanawagan ang mga netizens na sana raw ay mapanatili ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang kagandahan at kalinisan nito bilang pagpupugay sa pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal

Isa sa mga itinuturing na pinakasikat na parke sa Pilipinas ang Luneta Park o mas kilala bilang “Rizal Park”. Hindi lamang kasi ito basta parke. Bukod sa pasyalan ito at tourist spot, narito rin ang bantayog ng dalawa sa pinakadakilang bayani ng kasaysayan ng Pilipinas: sina Lapu–Lapu at ang pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.

Itinampok ng isang photographer na nagngangalang “Jer Sandel” ang Luneta Park sa pamamagitan ng pagpapakita ng top view nito gamit ang “drone shot”. Labis na nagpamangha sa mga netizen ang napakagandang senaryo, lalo’t kitang–kita ang malaking mapa ng Pilipinas, gayundin ang mga nakapaligid na puno rito. Nagmistula itong kagubatan sa pusod ng kalunsuran.

Imahe mula sa Facebook account ni Jer Sandel

Ayon sa kaniyang Facebook post: “It was quite a surprise to see Rizal Park this beautiful from above. The area stands out as an urban oasis in the world’s most densely-populated city. All those greens complementing the soft hues of Manila Bay and its famous sunset make for such a remarkable sight.”

Nanawagan ang naturang photographer na sana raw ay hindi ito tuluyang masira dahil sa iba’t ibang commercial development na nangyayari sa Maynila.

“Let’s hope and pray it survives the onslaught of commercial development. Looks like it’s putting up a good fight, just like the national hero it’s named after.”

Marami sa mga netizen ang napabilib sa naturang larawan.

“Nice! To find beauty, you just really have to see it from a different angle. I hope Yorme can do more miracles for this place. In the midst of dust and dirt, this park can really be a breath of fresh air.”

“Imagine if the whole strip is extended beyond the bay area filled with trees, it could be at par with Central Park in New York.”

Public Domain Image

Beautiful Luneta now… Please make it clean always. It’s our pride to have this in the Philippines.”

Sana nga ay mapanatili ang kagandahan ng Rizal Park, hindi lang dahil pasyalan ito, kundi bilang gunita sa ating mga bayaning nagsakripisyo para sa bayan.

Source :

Facebook

Loading…