‘Magpanggap kang teddy bear’: Pagtuturo ng binata sa alagang pusa ng tamang pagkuha ng ulam sa kapitbahay, kinaaliwan

  • Viral sa social media ang larawan ng isang pusa na tila nakikinig sa sinasabi ng kaniyang among binata
  • Sa post ni Allan Cruz, pinapangaralan niya sa larawan ang alaga kung paano ang tamang pagkuha ng ulam sa kanilang kapitbahay
  • Marami ang naaliw sa post lalo na sa turo ng binata kung paano makakaiwas ang kaniyang pusa sa galit ng kanilang kapitbahay kapag nakita itong nangunguha ng ulam

Kinaaliwan sa social media ang larawan ng isang pusa na tila mariing nakikinig sa sinasabi ng kaniyang amo.

Imahe mula kay Allan Cruz | Facebook

Sa post ng netizen na nagngangalang Allan Cruz sa Facebook, makikita ang kaniyang alagang pusa na tila ba iniintindi ang pangaral ng binata tungkol sa tamang paraan ng pagkuha ng ulam sa kanilang kapitbahay.

“O, alam mo na gagawin ha,” ani Alan sa kaniyang caption.

‘Yung manok nasa mesa sa may kitchen. Huwag na yung salad lactose intolerant ako. Basta kapag nakita ka ng kapitbahay, magpanggap kang teddy bear,” dagdag nito.

Bagama’t ito ay katuwaan lang, marami naman ang naka-relate na netizens lalo na’t alam nilang may ugali ang mga pusa na mahilig manguha ng ulam ng iba.

Naaliw rin ang karamihan sa turo ng binata sa kung ano ang dapat gawin ng kaniyang pusa kung sakali makita ito ng kanilang kapitbahay habang nangunguha ng ulam.

“Ang cute,” sabi ni MPL matapos makita ang trending post ni Allan.

“Paano iyong teddy bear? Hahaha! Merry Christmas,” pabirong tanong ni MM sa comment section.

“Utas sa magpanggap na teddy bear,” natatawang pahayag naman ni JPR.

Imahe mula kay Allan Cruz | Facebook

“Nag-usap ang mag-ama ha, lods Allan Cruz. Lol. By the way, Merry Christmas,” sabi ni EDS kasabay ng pagbati sa kaibigan.

Sa kasalukuyan ay umabot na post ng binata sa higit 6,500 reactions at mayroon na rin itong higit 5,800 shares sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…