“Make your Nanay Proud”: Pagpupugay sa dakilang ina ni King of Talk Boy Abunda

  • Ang dakilang ina ni King of Talk Boy Abunda ay si Licerna “Lesing” Romerica Abunda
  • Isa siyang guro at mahusay na public servant
  • Kapiling na siya ng Panginoon sa gulang na 90

“Make your Nanay proud.”

Iyan ang palaging litanya ng King of Talk na si Boy Abunda sa tuwing magtatapos ang kaniyang mga shows,  bilang isa sa kaniyang mga adhikain sa buhay: ang mapasaya at maipagmalaki ng kaniyang mahal na ina.

Imahe mula sa Facebook account ni Maria Fe Abunda

Nitong Disyembre 1, 2019 ay kapiling na ng Poong Maykapal ang pinakamamahal na ina ni Tito Boy na si Nanay Licerna “Lesing” Romerica Abunda sa gulang na 90, ayon sa Facebook post ni Easthern Samar representative Maria Fe Abunda, kapatid na babae ni Tito Boy. Hindi naman nilinaw kung ano ang sanhi nito.

Noon pa man, ipinahahayag na ni Tito Boy ang kaniyang labis na pagmamahal sa kaniyang ina. Sa katunayan, sumulat pa siya ng isang aklat para bigyang tribute ang babaeng nagluwal sa kaniya at unang tumanggap sa kaniyang pagkatao.

Si Nanay Lesing Abunda ay isang guro sa usapang propesyon. Naging konsehal siya sa bayan ng Borongan sa Samar sa loob ng tatlong termino mula 1995 hanggang 2004, at nahalal ding vice mayor noong 2004.

Sa isa sa mga shows ni Tito Boy na “The Bottomline” sa ABS–CBN Network nitong October 2019, kinumpirma niya na ang kaniyang ina ay nakararanas ng “dementia” at nakaratay sa hospital. Naging emosyunal din siya sa isa sa mga panayam niya sa ‘Tonight with Boy Abunda” sa episode na guest niya sa “dressing room interview” ang mahusay na actress–host–singer na si Toni Gonzaga–Soriano.

Public Domain Image

Inamin din ni Tito Boy na hindi niya alam ang gagawin niya kung mawawala ang kaniyang ina sa kaniyang tabi.

“I will be honest, I don’t know how I’m going to live my life without the presence of my mother. Pero katulad ng maraming sugal sa buhay ko, susuungin ko, because that’s the only way,” ani Tito Boy.

Nakikiramay kami sa iyo at sa inyong pamilya, Tito Boy Abunda!

Loading…